Sabi nga nila ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay hindi mako-kontrol dahil sa bawat taon na nagdaraan, ito ay patuloy na tataas at hindi na maibabalik pa sa dating mababang presyo. Kaya ngayon ang pagpapatayo ng bahay ay kinakailangan ng wastong pagbubudget.
You May Also Read:
Kinailangan mo munang e- estimate ang lahat ng materyales at labor nito bago tuluyang magpagawa upang mapaglaanan ng tamang budget. Sa halagang 10k makakapagpatayo ba ng bahay? narito ang sagot mula sa isang netizen.
Maliit ang sweldo ngayon ngunit palagi namang tumataas ang mga pangunahing bilihin. Ngunit para sa binata na ito na nakilala sa pangalang Jeypee Gervacio, tila walang imposible kung gugustuhin niya.
Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook account kung paano niya naisakatuparan ang kaniyang dream house. Bawat proseso at hakbang na kaniyang ginawa para sa kaniyang simpleng tahanan ay ipinakita niya sa kaniyang post.
Sa munti niyang tahanan ay naroroon na din ang kaniyang munting negosyo na sari-sari store. Sa halagang Php10,000 ay nagawa niyang maitayo ang munti niyang tahanan na mayroon nang tindahan at sarili niyang kwarto sa loob.
Tunay nga na marami ang nagnanais na magkaroon din ng sarili nilang bahay ngunit natatakot silang sumubok at lumabas sa kanilang “comfort zone”. Ngunit dito ay pinatunayan ni Jeypee na kung gugustuhin natin ay talagang may paraan.
Kung kaya naman para sa maraming mga taong na nangangarap magkaroon na ng sarili nilang bahay at lupa, huwag dapat panghinaan ng loob at mas lalo pang magsumikap. Maaaring mahirap sa umpisa at maraming mga pagsubok na pagdaraanan ngunit ang lahat ng ito ay kailangan upang mas maramdaman natin ang sarap ng ating tagumpay.
Darating din ang panahon na mangyayari at matutupad ang inyong mga pangarap dahil na rin sa inyong pagpapagal at matatag na pananalig sa Diyos.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment