Hindi lamang tao ang marunong magpahayag ng kanilang pasasalamat sa mga tumulong sa kanila sa panahon ng sakuna o emerhensiya. Katulad nga ng sikat na kwentong ito ng isang baka.
Marami ang naantig at gayundin napatawa ng kanilang marinig at mabasa ang kwentong ito na di-umano ang isang baka ay lumuha bilang pasasalamat sa taong nagbigay ng tulong sa kanya upang mailuwal ang anak nito.
You May Also Read:
Katulad nga ng mga kababaihan, napaka-delikado ang pagluwal ng anak dahil pwedeng malagay sa peligro ang buhay nila, gayundin sa mga hayop sila ay nangangailangan din ng tulong ng mga doktor upang mapabilis at mailuwal ng ligtas ang kanilang anak.
Narito ang kwento patungkol sa isang baka:
Ang inahing baka ay nakilala sa pangalang Freser. Isinilang niya ang kaniyang una at huling guya. Si Ismael ang doktor na tumulong sa kaniya upang makapanganak siya ng maayos. Ngunit marahil ay nararamdaman na ng baka na ito na rin ang kaniyang huling mga sandali. Kung kaya naman bilang pasasalamat ay tila napaluha pa ang inahing baka bago ito tuluyang lumisan.
Pinangalanan nilang Savi ang kaniyang bagong silang na guya. Matapos manganak ni Freser ay hirap na hirap na talaga itong makabangon. Walang anumang pagdurugo ang napansin ng doktor bago at pagkatapos nitong manganak kung kaya naman kinailangan nang kuhanin ang kaniyang anak mula sa kaniyang pwerta.
Nang tuluyan nang maramdaman nang inahing baka na ligtas ang kaniyang supling ay pinuspos na niya ng halik si Ismael, ang doktor na tumulong sa kaniya. Tila panatag din namang lumisan si Freser dahil batid niyang aalagaan nito ang kaniyang guya. Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag-aalaga nito sa kay Savi tulad ng pag-aalaga niya sa ibang mga baka at toro sa Fundacion Santuario Gaia (Gaia Sanctuary Foundation).
Patunay lamang na hindi lamang mga tao ang kayang magpasalamat sa mga taong tumutulong sa kanila kundi maging ang mga hayop. Kapag pinakitaan mo sila ng kabutihan ay ibabalik din nila ito sa iyo sa pamamagitan ng taos-pusong pasasalamat.
You May Also Read:
Kris Aquino, Matapang na Ibinahagi sa Publiko ang Tunay na Dahilan ng Biglaang Pagpayat Nito.
0 comments :
Post a Comment