Wow: Grab Driver Namimigay Ng Libreng Pagkain, Gamot Sa Kanyang Mga Pagod Na Pasahero, Minsan Inuubos pa Daw ng Isa lang na Pasahero.

Dahil nga sa makabagong teknolohiya, naging malaking tulong ito sa atin upang mapadali ang ating mga gawain, kahit na sa mga pag-aabang ng sasakyan ay di na natin kinailangan pang magpatintero at makisabayan sa mga nag-aabang sa daan, kunting pindot lang sa ating mga cellphone ay pwede na tayong masundo sa ating kinalalagyan.

Ito ang trabaho ng mga Grab Driver, na kumukuha ng pasahero sa pamamagitan ng isang application kung saan duon nagpapa book ang nais magpasundo at magpahatid ng walang hassle sa pag-aantay pa sa labas. Ngunit, di sa lahat ng pagkakataon ay income na pansarili nila ang kanilang layunin sa araw-araw, mayroon pa ring mga taong kahit kukunti ang kita ay gustong magbigay sa kanilang kapwa.

You May Also Read:

Amang Basurero, Masayang Naipagtapos ang Anak sa Kolehiyo at Anak proud na Pinagsisigawang Basurero ang Ama.

Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

20 MILYONG Halaga ng Tseke at mga Pera na naiwan sa Bag, Isinauli ng Tricycle Driver at Umani ng Papuri at Pagkilala.

Yan ang naging laman ng isang viral facebook post ng isang netizen na si Che Rubio-Abando na nag viral sa social media matapos niyang ikwento ang naranasan niya nang siya ay sumakay sa Grab.

Kwento ni Abando, ang nasabing Grab ay mayroong pagkain at inumin sa loob ng kaniyang sasakyan para sa mga pasahero.

Tinanong din niya ang Grab Driver kung hindi ito nalulugi sa kaniyang ginagawa, ngunit ang tugon lang nito ay madali lang kitain ang pera na kaniyang nauubos para sa mga stocks ng pagkain, ang mahalaga lamang sa kaniya ay mapasaya at mabusog ang mga sumasakay sa kaniyang sasakyan.

Kwento din ni Abando na ang sasakyan ng Grab ay mayroong front camera para na rin sa seguridad at proteksyon niya pati na rin ang kaniyang mga pasahero. Eto din daw ang paraan kung sakaling ireklamo siya ng kaniyang mga pasahero na siya ay nag tatake advantage kapag sila ay lasing.

Sa kabilang banda, marami sa mga netizens ang natuwa sa ginagawang kabutihan ng Grab.

Narito ang buong kwento ni Che Rubio-Abando:

Ang cool ng nasakyan ko na Grab. Hindi ka magugutom pwede ka din matulog ng kumportable ka dahil may unan at kumot kung kakailanganin mo. Tinanong ko si kuya driver Kung magkano ung mga food since wala pa ko breakfast gusto ko bumili.. sagot ni kuya “Ma’am libre po yan. Kuha lang kayo ng gusto nyo. May mineral water na din po dyan. May biogesic din po sa medicine kit kung masakit ulo nyo”

Me: kuya pano yan kung ubusin ko lahat ng pagkain mo dto?! (Sabay tawa ko)

Kuya Grab: ma’am ngyari na po yun. Ung pasahero ko inubos lahat. Almost 3k ng stocks ko na mga food pati mga magazine. Sa 80 pesos na binayad nyang pamasahe pero ok lang naman yun.napaghandaan ko na po yun since pwede naman talaga mangyari. Bumaba sya na nagpasalamat pa dahil may mga baon na daw yung anak nya. Saken naman ma’am madali naman kitain yun. I’m not into money naman talaga masaya lang talaga ko sa ginagawa ko. Tsaka ung mga food pag may namamalimos yan na din pinangbibigay ko.

Me: Hindi ka ba malulugi nyan kuya?

KuyaGrab: madali naman kitain ung pera ma’am.

P.S
Kumuha ako ng Ilan sa mga food nya,then d ko na kinuha sukli ko as bayad nlang din sa kinuha ko kaya wag nyo ko i-judge.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment