Isa sa ugali ng mga Pilipino na kinabiliban ng ibang lahi ay ang ating “bayanihan” ito ay ang kusang pagbigay ng tulong sa ating mga kababayan na walang hinihintay na anumang kapalit. Kahit pa man na gipit ang karamihan sa atin ngayon, ito ay masisilayan pa rin na nandyan pa talaga ang spirit ng bayanihan sa bawat isa.
You May Also Read:
Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.
Katulad na nga ng mga nagsilitawang mga community pantry, yan ay isang magandang halimbawa ng pagtutulungan ng mga Pinoy para lahat tayo ay maka-ahon sa panahong ito.
Mayroon ding isang kaganapan na naging viral kamakailan sa social media ito ay ang video kung saan makikita ang kabutihan ng isang netizen sa delivery rider na kumakain sa labas ng kanyang bahay.
Kung sa iba, ay hindi na nila ito papansinin at baka pag-isipan pa ng masama, pero siya ay kusang nagbigay ng tubig sa rider at sa simpleng ginawa niyang yun ay marami ang humanga sa kanya.
Ang video ay nakuha mula sa CCTV kung saan makikita na lumabas ang may-ari ng bahay para bigyan ang rider ng maiinom. Mapapansin na kumakain mag-isa ang delivery rider ng kanyang hapunan.
Marahil ay inabutan na ng gutom ang delivery rider sa daan kaya sa labas na lamng siya kumain. Mabuti na lamang ay natapat siya sa isang bahay ng mabuting may-ari kaya nabigyan siya ng maiinom.
Sa maikling video na ito ay makikita ang inspirasyon na kahit anoman ang estado natin sa buhay at ano man ang pinagdadaanan natin sa buhay, ay piliin pa rin nating maging mabuti sa kapwa.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment