Minsan ay hindi natin nadidiskubre ang nakatagong talento natin, lalo na kapag pinangunahan tayo ng hiya at walang tiwala sa sarili. Bawat isa raw sa atin ay may angking talento kahit pa man mayroon tayong kakulangan sa ating sarili.
Isang biyaya mula sa Maykapal ang pagkakaroon natin ng talento na lubusang nakakatulong sa atin, naging tanyag ang marami nating idolo sa buong mundo at naging matagumpay sa kanilang buhay dahil nilinang nila ang kanilang taglay na talento.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Isa na rito ang ibinahaging post ng netizen na si Miecah Patiño na nagpapakita ng mga magaganda at kamangha-manghang ballpoint pen artwork ng isang lalaki na nagtitinda rin ng mga nasabing obra maestra sa isang underpass malapit sa Manila City Hall.
“Hi, guys! I didn’t catch kuya’s name pero I hope na matulungan natin siya. Gumagawa po siya ng drawings by ballpen and p’wede din po magpa-drawing kayo sa kanya ng portraits n’yo. It’s up to you kung magkano ipepresyo n’yo. Hindi po siya nagpepresyo. And if may extra kayong pang-painting like poster paints, notebooks, or brushes, p’wede din n’yo pong i-donate sa kanya. Thank you, guys! Take time to visit kuya anytime nanroon daw po siya lagi.”
Narito naman ang mga naging komento ng mga netizen:
“Saludo kami sa ‘yo,” pahayag ni J. Romero.
“Sumikat sana si sir,” ito naman ang sambit ni S. Chan.
“We need to help him po kasi with a talent like that, he can improve much better and he could be a very talented artist! Pray for him,” ito naman ang komento ni @malungkyott.
Napahanga ang maraming netizens sa determinasyon at sa talentong ito ng lalaki na di umanoy isa lamang ang kamay ay nagsilbing inspirasyon sa marami pang mga tao na sa kabila ng hirap at pagsubok sa buhay ay mayroon pa rin tayong dahilan upang lumaban at magpursige sa buhay. Sana ay maging katulad po kayo ni Kuya na Lumalaban at hindi sumusuko sa mga hamon sa buhay.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment