Ang mga guro ay tinuturing ngang pangalawang magulang ng mga kabataan, sila ang gumagabay at nagtuturo ng magandang asal sa paaralan. Maraming mga estudyante ang napamahal na sa kanilang mga guro at ganun din ang guro nila sa kanila.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Subalit, hindi lahat ng mga guro ay mayroong mabuting kalagayan pagdating sa lugar na kanilang pinatuturuan, may iilan na inaakyat pa ang mga bundok at tinatawid ang mga ilog marating lamang ang lugar na kanilang pagsisilbihan.
Ang pagkakaroon ng pinag-aralan ay isang kayamanan na maituturing kaya naging instrumento ang mga gurong ito upang makamit ng mga kabataan ang kanilang magandang kinabukasan. Napakahirap rin ang ganitong uri ng propesyon katulad na lamang sa dinaranas ng isang gurong ito.
Isang dakilang guro na nagngangalang Jay Ann Salibio sa isang isla sa may Occidental Mindoro ang nakaranas ng hindi magandang lugar na pinagtuturuan.
Si Teacher Jay Ann ay nagtuturo sa Patag Elementary School Annex at hindi madali ang sinusuong nito para lamang magampanan ang tungkulin na kanyang sinumpaan.
Malayo sa kabihasnan ang nasabing paaralan kaya naman upang makarating doon ay kailangan niya pang tumawid ng dagat, umakyat ng bangin at maglakad ng mahigit kumulang 2 oras. Lubhang mapanganib ito hindi lamang sa normal na tao kundi lalong-lalo na sa kanyang kalagayan dahil ito ay nagdadalang tao.
Gayunman, tila hindi ito alintana ni Teacher Jay Ann dahil mahal nito ang propesyon at hindi nito nais na iwanan ang kanyang mga estudyante, kaya gaano man kahirap ay tinitiis nito.
Ayon sa guro ay hindi naman ito naglalakbay nang ganoon araw-araw dahil nangungupahan ito kasama ang iba pang katrabaho sa isang kubo kaya’t lingguhan lamang kailangan umuwi ng mga ito.
Ang kanyang mister ay tumatanggap ng pananahi para maipandagdag sa kanilang ipon at pantutos na rin sa lahat ng pangangailangan nila sa bahay pati na rin sa kanyang panganganak.
Nakakasama niya lamang ito tuwing wala itong trabaho kaya mahirap rin talaga kung tutuusin ang sitwasyon nito lalo na at walang nag-aasikaso sa kanya habang siya ay nagdadalang tao.
Nagpasa umano rin si Teacher Jay Ann ng request sa DepEd na mabigyan sila ng kanyang mga kapwa guro ng life vests na magagamit nila sa pagtawid nila sa dagat, ngunit wala pa rin silang natatanggap na sagot mula sa mga ito at pati na rin ang maternity leave niya ay hindi pa rin naaaprubahan.
Kaya naman nagpatuloy lamang ito noon na magturo at maglakbay habang siya ay buntis dahil ito ang kaniyang tungkulin bilang isang teacher.
Nanganak ng ligtas si Teacher Jay Nobyembre noong nakaraang taon at nabiyayaan sila ng isang malusog na anak na lalaki. Marami ang napahanga sa dedikasyon nito sa trabaho at isa raw itong sa mga nagpapatotoo na tunay na mga bayani ang ating mga mahal na guro.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment