Sa lahat yata ng hayop ang aso ang pinakamalapit sa puso ng tao, dahil sila ay tila may sariling pag-iisip at parang tao rin mag-isip na may malaking naitulong sa kanilang mga amo.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Isa na nga rito ay ang viral post sa social media kung saan marami ang naaliw at napahanga sa isang aso. Kinilalang si Ian Capoquian ang nagshare ng isang viral photo ng isang binatilyong nag-aaral sa kalye ng Ermita, Manila kasama ang kanyang alagang aso na may kagat-kagat na maliit na basket sa kanyang bibig.
Napag-alaman na ang binatilyo ay 16 anyos na kinilala bilang si Eddie Aquino, isang grade 9 student at ang kanyang kasamang aso na may pangalang Black Jack.
Ibinahagi ni Capoquian sa kanyang Facebook post and istorya ng batang lalaki na kanyang nakilala.
Ang mga magulang daw ni Eddie ay hiwalay na at mayroon itong dalawang kapatid. Ang kanyang nanay ay iniwan sila dahil mayroon na itong bagong pamilya. Samantalang ang kanilang ama ay kanila pa ring kasama ngunit ito ay nanghihina na.
At dahil sa ganitong sitwasyon ng kanilang buhay, kinailangan na magsumikap si Eddie sa kanyang murang edad na maghanap buhay para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya.
Ayon kay Capoquian, patuloy daw na tinitiis ni Eddie ang marumi at malamig na lansangan para lang makahanap ng pera habang tinutulungan siya ng kanyang alagang aso.
Habang ang binatilyo ay abala na mag-aral sa tabi ng kalsada, ang kanyang aso na si Black Jack naman ay abalang nanlilimos ng barya-barya sa mga taong dumadaan.
Ayon kay Capoquian, magkakahalong emosyon ang kanyang naramdaman ng makita ang dalawa na nagtutulungan.“Saddening but inspiring,” wika niya.
Dagdag pa niya, na kaya niya pinost ang photo na iyon ay upang matulungan si Eddie. “I want him to study inside a room, a well-ventilated space, with proper lighting and proper learning materials. I want to help him.”
Tinapos niya ang kanyang post sa pamamagitan ng paghikayat sa mga netizens na kontakin siya sakaling may gusto pang tumulong sa binatilyo.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment