74-Anyos na Ina, Nangangalakal ng Basura at Umaasa sa Bigay ng Iba Para Sa Kanilang Pagkain at Gamot ng Anak na May Sakit, Ngayon ay NANANAWAGAN ng Tulong.

Marami tayong naririnig na nagsasabi na dapat daw ay magkaroon ng anak upang sa ating pagtanda ay mayroong mag-aalaga man lang sa atin. Totoo nga ito, pero minsan sa buhay naging kabaligtaran ang mga nangyayari, may mga scenario tayong nabababsa na ang mga matatanda ng magulang ang siya pang kumakayod para sa mga anak.

Pinatunayan nga ito ng mag-ina na mula pa sa Biñan, Laguna. Naging trending ang post na ibinahagi ng isang netizen na ang layunin ay makahingi ng tulong para sa kawawang mag-ina.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Ayon sa post ni Chee Presbitero, lumapit sa kanya si Nany Erlie at humihingi ng tulong na kung maaari ay ipanawagan sila ng tulong sa social media. Dahil nga mas mabilis dumating ang tulong through online kaya  hindi naman nag-atubili si Chee na tulungan sila.

Nakita ni Chee ang hirap na pinagdadaanan ni Nanay Erlie at ang anak nito. Silang dalawa na lamang ang magkasama. Dahil hindi na makapaghanapbuhay ang anak matapos nitong ma-str0ke, kung kaya si Nanay Erlie na ang kumakayod upang mabuhay silang dalawa.

Wala na silang ibang maasahan pa at pangangalakal lang ang alam gawin ni nanay. Dahil sa may edad na rin si nanay ay hirap na rin itong magtrabaho.

Ang kita ni nanay sa pangangalakal ay ibininili niya ng kanilang pagkain, diaper at gamit na rin para sa anak na may kar4mdaman.

Minsan ay binibigyan din sila ng tulong ng kanilang mga kapitbahay. Binigyan umano sila ng mga basurang pwedeng mabenta at kung minsan ay may nagbibigay rin sa kanya ng kaunting pera.

Kaya si Nanay Erlie ay humingi na ng tulong kay Chee upang matulungan sila sa kanilang pang araw-araw na pagkain at gastusin.

Makikita sa mga larawan na nakaratay na lamang sa higaan ang anak nitong babae. Si nanay naman ang kumakayod para sa kanilang dalawa.

Narito ang buong post:

“Sya po si Nanay erlie 74y.o lumapit sya sa akin at nakiusap na kunan ko sya ng larawan at ipost daw sa facebook para may tumulong sknla.. sya po ay nangangalakal ng basura dito sa brgy. malaban binan laguna para my pangkain at pang bili ng diaper at gmot ng anak nyang na str0ke,dalawa nlang po silang mag ina ang magkasama sa buhay.. umaasa lang po sya sa bigay na kalakal ng mga kapit bahay at kaunting barya mula sa ibang tao.. sa may mabubuting loob tulungan nyo.po ako iparating ito sa mga taong mas my kakayahan na matulungan sila,sa simpleng pag share po ninyo ng post na to ay mabibigyan ntin sila ng pag asa na mapagaan kahit papaano ang sitwasyon nila sa buhay.. maraming salamat po!!”

Samantala, matapos mag-viral ang post ni Chee ay dumagsa kaagad ang tulong mula sa mga indibidwal. Maraming nagpaabot ng grocery items kina nanay at mayroon ring nagpaabot ng pera.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment