Larawan ng 98-Anyos na Lola at “Apo nito sa Tuhod” Pinusuan ng mga Netizens. Lola’s Love, Kahit Antok na si Lola.

Ayon nga sa iba, kakaiba daw magmahal ang mga lola, naging spoiled ang mga apo kapag ang mga lola ang nag-aalaga sa kanila. Sa ngayong panahon na halos naging maikli na ang life span ng mga tao at maswerte na nga kung makakaabot ka pa ng 60-anyos.

Kaya kadalasan ay di na nasisilayan pa ng mga lola ang kanilang mga apo, lalo na yung tinatawag na apo sa tuhod. Kaya ang isang larawang ito ay umantig sa mga netizens.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Naging viral ang larawan ng 98-anyos na lola kasama ang kanyang apo sa tuhod. Ang larawan ay ibinahagi ni netizen na si Hazel Salisid na umani nga ng maraming reactions mula sa mga netizens.

Maraming natizen ang napangiti sa post ni Salisid dahil sa kabila ng edad ng kanyang lola ay matiyaga nitong binabantayan ang kanyang apo.

Kwento ni Salisid, ang larawan ay kuha nito pa lamang Mayo 2O21. Nakiusap umano kay lola Rosario Ronol0 na bantayan muna saglit ang anak dahil may gagawin lang siya.

“Gikan mig h0spital ana mao pay pagpanganak nako ana. Then ako gipabantayan kadyot sako (lola) kay naa pasad koy gibuhat ana na time,” saad ni Salisid.

(We just arrived from the h0spital and I just gave birth that time. I asked my grandmother if she could watch over my baby since I was doing something then.)

Aniya, kahit na inaantok na umano ang kanyang lola ay pilit pa rin nitong kinakaya para sa kanyang apo. Pinasalamatan rin ni Hazel ang kanyang lola dahil sa pagmamahal nito sa kanyang apo.

Masasabing hindi talaga kumukupas ang pagmamahal ng isang nanay sa mga anak at hindi rin ito napapagod.

“Bisag giduka na tawon na akung lola kugi gyod kaayo sya mobantay sa iyang apo sa tuhod. Salamat sa pagpangga, Lola Rosario!” dagdag pa niya.

(Even though my grandmother was already very sleepy, she was still determined to take care of her great-grandchild.)

Hiling ni Hazel para sa kanyang lola ay magkaroon ng magandang kalusugan at humaba pa ang kanyang buhay.

Isa nga sa mga dapat nating lingunin ay ang ating mga lolo at lola na silang naging source ng lahat kung bakit tayo ngayon ay narito sa mundong ibabaw. Mahalin natin sila bilang kapalit din ng kanilang pag-aaruga sa atin.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment