Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng daang taon ay napasok at naidokumento ng mga explorers ang totoong nilalaman ng kinatatakutang “Well of Hell” o “Balon ni Barhout” sa Yemen.
You May Also Read:
Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.
Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.
Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.
Ang misteryosong sinkhole na ito na matatagpuan sa disyerto ng Al-Mahra province sa hangganan ng Oman at Yemen ay nababalot ng mga kwentong pinaniniwalaan ng mga locals doon sa mahabang panahon.
Ilan nga rito ay ang paniniwalang bilangguan daw ito ng diyablo at genie at sinumang lalapit dito ay hinihigop at hindi na nakakabalik.
Mayroon ding mga kwento na may mga nagtangka nang pumasok sa loob ng misteryosong sinkhole sa mga nagdaang panahon pero hindi sila nakaabot sa ilalim dahil wala umanong oxygen.
Pero nito lamang Setyembre 21, isang Cave Exploration Team mula Oman ang naglakas loob at nangahas na pasukin ang kinatatakutang “Well of Hell” gamit ang mga makabagong kagamitan.
Dito na tumambad sa kanila ang nakamamanghang ganda ng hitsura sa loob ng dati ay kinatatakutang lugar.
Makikita sa loob ang mga stalagmites at cave pearls na nabuo dahil sa mga patak ng tubig mula sa itaas na animo’y talon. Mayroon ding mga ahas at ibon na nakita sa loob at anyong tubig na tila maliit na sapa.
Kumuha ng samples ang mga explorer ng lahat ng mga nakitang organismo at bagay sa loob upang isalang sa pagsusuri na siyang makakapagsabi kung ano pa ang mga maaaring naganap sa loob ng sinkhole na hindi nasaksihan sa mahabang panahon dahil sa mga unang paniniwala na naglayo sa mga tao sa lugar.
Mistulang paraiso sa loob ng ilalim nito nang masinagan na ng malaking ilaw. Walang diablo, genie, o anumang halimaw sa loob nito kundi mga iba’t ibang species ng ahas, patay na hayop, palaka, at ibon. May mga tubig din at ilang halaman silang nakita rito. Mayroon ding cave pearls na nabuo dahil sa wlang humpay na tulo ng tubig. Nasa 112 metro ang nasukat na lalim ng Well of Hell.
You May Also Read:
Mga Ancient Mummy Coffins Sa Egypt, Sa Wakas ay Binuksan At Ito Ang Nakakamanghang Laman Sa Loob
0 comments :
Post a Comment