Kung hindi ka mismo kikilos, sino ang gagawa ng mga ito para sa’yo? Yan ang kadalasang nararanasan ng mga matatandang mag-isang namumuhay. Wala silang pamilyang aasahan kung kaya’t kahit pagod na ang kanilang katawan ay kailangan pa rin nilang kumayod upang may perang kitain na panlaman ng kanilang kumakalam na tiyan.
You May Also Read:
Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.
Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.
Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.
Minsan kahit pa man sila ay may pamilya, kumakayod pa rin sila para hindi maging pabigat at sila pa rin ang inaasahan ng kanilang angkan.
Kamakailan nga ay naging trending sa social media ang isang larawan ng matandang lalake. Ito ay ibinahagi ng netizen na si Daryl Bontia, isang larawan ni lolo na kinilala kay Cirilo Almona, tubong Pasig City at nasa 62-anyos na.
Mag-isa nalang umanong namumuhay si Lolo Cirilo. May asawa naman daw siya pero bihira silang magkita dahil mnamamasukan ito. Umaabot pa ng taon, bago sila magkitang muli.
Walang sariling tirahan ang matanda kaya nakikisilong lamang siya sa kanyang kaibigan. Hindi rin pinalad na magkaanak si lolo Cirilo kaya naman walang ibang masasandalan si Lolo.
Sa kanyang edad, hindi biro ang maghapong paglalako at pagsabit sa jeep ni lolo Cirilio. Lalo na sa panahon ngayon na may lumalaganap na sakit sa ating bansa.
Sa post ni Daryl, inilagay niya ang mga detalye kung papano matutulungan si lolo Cirilo.
Narito ang buong post ni Daryl:
“Pag may nakita kayo na gan’to at may extra naman kayo, just buy.
Edit: Maraming salamat po sa lahat ng nag PM at gustong tumulong kay tatay, kasama ko po ngayon si tatay galing kami namili sa Super8 sa Rosario. At naibigay ko na po kay tatay yung mga nagpadala.
Si tatay po ay 62 years old, mag Isa sa buhay, nakikittira at nakikitulog sa kaibigan, Wala daw po siyang anak at ang asawa nya naman ay namamasukan pong katulong at once a year lang sila kung magkita ng kanyang asawa,
May sakit din si tatay kaya naghanap buhay siya pambili ng pagkain at gamot. Si tatay po ay taga Rosario Pasig City.
Sa lahat pa po ng gustong tumulong pwede nyo po ako kuntakin or kasi tinuro ni tatay sa akin ang bahay nya, di nya alam number dun basta sabi nya may Ice Plant daw, blue yung color ng gate.
Gusto niya din daw po humingi ng tulong kay Kuya Will para sa gamot nya.
Maraming salamat po sa lahat ng nag share at tumulong kay tatay, pati na din sa lahat ng tutulong palang kay tatay maraming salamat po, hindi ko po inaasahan na madami makakapansin sa post ko, MARAMING MARAMING SALAMAT PO
Edit again: nakuha ko po number nung tinitirahan ni tatay, PM po kung gusto makausap si tatay.”
Pinalad naman at may mga nakatulong na kay lolo Cirilo. Maraming Salamat po sa inyo.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment