Naaliw ang mga netizens sa side-by-side photo ni Bea Alonzo at ng lola ni Dominic Roque na si Zeny Tamayo noong kabataan pa nito.
You May Also Read:
Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.
Noong September 1, 2021, isang tagahanga nina Bea at Dominic ang nag-upload sa Instagram ng litrato ng aktres katabi ang lumang litrato ni Nanay Zeny noong kanyang kabataan, na may caption na: “tisay X tisay. Napakagagandang dilag!”
Mapapansin sa litrato ang pagiging mestiza ng dalawa, maging ang hugis ng mukha, labi at ilong. Reaksyon ng mga fans, baka ‘destiny’ nga ang mag-couple.
Ayon sa ilang supporters ng celebrity couple, pinatunayan ni Dominic ang matandang kasabihan na karaniwang nai-in love ang mga lalaki sa mga babaeng kamukha o kahawig ng kanilang nanay o lola.
Narito naman ang komento ng ilang mga netizens:
“Ganon daw kapag may kamukha yung gf/bf mo na kamag anak/ka pamilya mo… Kayo daw ang magkakatuluyan”
“Congrats bea you finally found your soulmate. ”
“Ang ending aning salidaa igsoon diays Bea ug Dom. Nabuwag pagkabata.”
“Twist malayong kamag anak ni Dominic si Bea chourrr.”
Si Grandma Zeny ay nanay ni Beth Tamayo.
Sa mga hindi pa nakakaalam, si Gng. Zeny ay nanay ng aktres na si Beth Tamayo na naka-base na ngayon sa Amerika.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment