Ang taong may pangarap sa buhay ay di kayang hadlangan ng anuman. Katulad na lamang sa marami nang estorya sa buhay na ating naririnig, karamihan sa kanila ay nakapagtapos at nakamit ang pangarap sa kabila ng kahirapan.
You May Also Read:
Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.
Subalit ang kwento naman ng estudyanteng ito na kinilala kay Jhane Dharia Alvaro Ramos ay hinangaan ng marami, siya ay isang graduating student na mula sa Taysan, Batangas. Marami ang napahanga dahil sa kanyang katatagan at determinasyon sa buhay, upang makapagtapos sa kolehiyo at gampanan ang kanyang tungkulin sa kanilang tahanan kahit na sya ay ipinanganak na walang mga braso.
Hindi alintana ni Jhane Ramos ang mga pagsubok na kanyang kinakaharap sa buhay, bagkus ito pa umano ang naging inspirasyon nya upang magpatuloy.
Ayon sa salaysay na ibinahagi ni Ian Evangelista ay buhat ng makilala niya si Jhane Ramos noong magkaroon sila ng moving up ceremony noong 2017, ay malaki na daw ang naibigay nyang respeto at paghanga sa 22- anyos na estudyanteng si Jhane. Pag tungtong ni Jhane sa kolehiyo ay kursong Business Administration Major in Financial Management.
Dagdag pa ni Ian na syang nagbahagi ng buhay ni Jhane ay natutuwa sya sa kanyang pagtulong sa dalaga , na kahit sa maliit lamang na paraan ay natulungan nya ito sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment