Masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng sariling ipon, ito ay nagpapakampante sa ating sarili na sa tuwing may kailangang gastusan ay mayroon tayong madudukot.
Napakahirap manghiram sa panahon ngayon kapag may mga emergency cases kaya sobrang laking ginhawa kapag mayroon kang naitabi. Kadalasan ay nakatago sa banko, mga nasa alkansya na gawa sa kawayan, plastic container at iba pang piggy bank.
You May Also Read:
Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.
Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.
Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.
Ngunit, tila kakaiba ang naging alkansya ng netizen na si Mark Christian, hindi kasi ito pangkaraniwan lamang isa itong underground alkansya sa may Marikina City.
Kanya itong ginawa noong June 2018 para daw sa tatay niyang isang tricycle driver,Inilagay niya ito sa kanang bahagi sa loob ng kanyang kuwarto at ang sukat nito ay 2 by 2 feet. Inihalintulad niya sa pag-gawa ng septic tank at nilagyan ng tatlong butas para sa paghuhulog ng kanyang tatay ng pera dito.
Ayon kay Mark Christian “Noong pagkabata ko po kasi talaga ang mahilig po talaga akong gumawa ng iba’t – ibang klaseng alkansya. Gawa sa kawayan, gawa sa lata.”
Ayon sa kanya, “Tinibag ko po yung semento po dito sa loob ng kuwarto ko po tsaka ko po hinukay po talagang ako lang o ang gumawa mag-isa, sarili ko pong gawa tapos sinemento ko nang solid yung pinaka pader niya saka ko po siya tinakpan ng gawa rin po sa semento bale pinantay ko lang din po siya sa flooring ng kuwarto.”
Noong una ay tinatanong siya ng kanyang nanay bakit kailangan pang maghukay sa loob ng kanyang kuwarto para sa alkansya.
Ayon pa kay Mark Christian, “Gagawan ko kayo ng alkansya na kakaiba tapos yung hinding-hindi niyo puwedeng kupitan kasi pagka gumawa kayo ng alkansya na gawa sa kawayan o ano pa man pagka nangailangan kayo talaga ay matrigger talaga kayo na buksan. so, ito, pagka kailangan na kailangan na kailangan talaga saka lang natin bubuksan.”
“Ang baryang inihuhulog ng aking Tatay na si Aludio sa underground alkansya ay P5 o P10 pesos. Kada araw nag-huhulog siya ng 100 pesos minsan kapag maganda ang kita 200 pesos naman ang inihuhulog niya. Ipinapapalit po namin sa gas station iyong barya para maihulog ni Tatay. Siyempre, natuwa po sila lalo na po si Tatay kasi sa kanya naman po talaga yung perang yun eh. Pinag- ipunan niya sa pamamasada niya ng tricycle so natuwa po siya. Sabi ni Mang Aludio ipagpapatuloy niya ang pag-iipon sa kanyang underground alkansya.”
At noong nakaraang March 3, 2021, napagkasunduan ng buong pamilya na buksan na ang underground alkansya at inabot sila ng halos buong araw makuha lang lahat ng barya dito. Pagkatapos nilang bilangan ang laman umabot ito sa P52,000 sa loob ng tatlong taon na pag-iipon.
“Nung binubuksan po namin yung undergound alkansya, mahirap po eh medyo namali po ako. naging pahirapan po ang pagbukas dito, nagtulungan na kami para mabuksan ito. Bale yung pinakadibdib po namin naka sayad n po sa pinaka flooring po kasi medyo mahaba nga po. hindi nga po siya napuno.. Ang lalim po. Pagkatapos nilang makuha ang lahat ng barya ay nilinisan nila ito at hinahanda n nila ulet sa paggamit dito.”
Kaya sa mga kabataan, dapat matuto kayong mag-ipon kasi sabi nga ” kapag may isinuksok, may madudukot.”
You May Also Read:
Isang Gwardya, Nasilayang Kanin at Tubig Lamang ang Pantawid Gutom Habang nasa Duty.
0 comments :
Post a Comment