Imbes Na Magpanic Si Tatay, Siya ay Lumuhod at Taimtim na Nagdasal Sa Gilid Ng Daan Habang Lumilindol.

Nitong taon halos maraming lugar sa mundo ang niyanig ng malakas na lindol at kabilang na nga diyan ang ating bansa. Kadalasang reaksyon ng mga tao ay ang sumigaw at magtatakbo upang makahanap ng lugar na safe at maligtas sila.

You May Also Read:

Matandang Nagpapahinga, Lubos ang Pasasalamat sa Pagkaing Palihim na Ibinigay sa Kanya Habang Natutulog ng Nakaupo!

Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.

Batang Musmos, Ginulat ang May Ari ng Nawawalang Wallet na May Lamang Malaking Pera ng Ibalik Ito at Humingi ng Singkwentang Kapalit Lamang.

Maraming kababayan natin ang nagpapanic kung kaya’t minsan ay mas naging malala pa ang resulta nito. Kabaligtaran naman ang naging rekasyon ng isang matandang lalake na nasilayan sa Matalam, Cotabato City ng minsang tamaan ng lindol ang kanilang lugar.

Imbes kasi na tumakbo at maghanap ng ligtas na lugar ay lumuhod ang matanda sa gilid ng daan at taimtim na nagdasal.

Imbes Na Magpanic, Lumuhod At Nanalangin Sa Gilid Ng Daan Ang Isang Lalaki Habang Lumilindol

Marami naman ang humanga at pinuri si Tatay at marami din sa kanila ang nagsasabi na ang ginawa ng matandang lalaki ay isang paalala para sa ating lahat na dapat manatili ang pananampalatay sa atin, partikular na sa mga ganitong sitwasyon.

Saad naman ni Jim Bryan Dalida Faeldonia, na siyang nagbahagi ng larawan ng matandang lalaki, sa kaniyang Facebook account,

“In times of test, PRAY. Keep safe everyone.”

Ang matandang lalaki din ay siguradong makikilala dahil ang kaniyang larawan ay kumalat kahit pa man hindi naitanong ni Jim ang pangalan nito o iba pang impormasyon nito.

Napagalaman din naman kaagad na ang pangalan ng matandang lalaki ay Maximino D. Rubi na nakatira sa Don Carlos, Bukidnon. Mabuti na lamang din at isa siya sa mga taong nakaligtas matapos tumama ang 6.6 magnitude earthquake sa lungsod.

Sa kabilang banda, ang anak naman ni Tatay Maximino ay nagkomento sa post at sinabing,

“This is my father MAXIMINO D. RUBI from Don Carlos, Bukidnon during his travel to Kidapawan today. GOD bless you always my tatay, have a safe trip, he is going back to Don Carlos.”

You May Also Read:

Matandang Nagpapahinga, Lubos ang Pasasalamat sa Pagkaing Palihim na Ibinigay sa Kanya Habang Natutulog ng Nakaupo!


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment