Napakaswerte po natin kung ipinanganak tayong walang kapansanan, kung akala natin na pasan natin ang buong mundo, paano nalang kaya ang mga taong may kulang sa kanilang katawan? Subalit kahit ganun pa man, hindi naman nagkulang ang kanilang pangarap na balang araw ay magkaroon ng kaginhawaan sa buhay.

You May Also Read:

2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.

Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?

Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya

Katulad na lamang po ng isang larawang ibinahagi sa social media ng isang concern netizen kung saan kanyang nakasabay sa isang pampasaherong jeep ang lalaking may kapansanan at tanging kawayan ang kanyang ginawang paa o improvised leg.

Sa orihinal na larawan na in-upload ng netizen na si Sheena  Gallego, humingi ito ng pasensiya sa lalaking nasa larawan dahil piniktyuran niya ito nang walang pahintulot.

“Sorry po if nagkuha po ako ng picture without your permission. It’s really heartbreaking to see you kuya,” pambungad na caption ni Gallego.

Ayon pa sa orihinal na caption, nakasakay si Gallego sa jeep nang mapansin niya na ang kaliwang binti ng lalaki ay improvised leg na gawa sa kawayan o pusog para lang makalakad ito nang normal. Naluha rin umano siya nang makitang mag-isang naglalakbay ang lalaki.

Ang lalaki sa larawan ay kinilalang si Darius Senillo. Ayon sa report ng Philippine Star, napaluha umano si Gallego nang makita ang kalagayan ni Senillo. Gayunman, kaakibat ng pagkaawang iyon ang paghanga sa katatagan ng kalooban ng lalaki.

Sinabi pa umano ni Gallego sa report na ipinanganak si Senillo na walang kaliwang paa at ang paggamit ng bamboo tubes ay ginagawa na nito sa loob na ng tatlong taon.

Agad na nagviral ang mga larawan ni Senillo at maraming netizens ang nanawagan ng tulong para rito. Hangad ng marami na mabigyan si kuya ng tunay na prosthetic leg upang makatulong sa kanya sa mas maayos na paglalakad at pagkilos.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment