Napakasakit sa isang Ina kapag mayroon sa mga anak niya na nagkakasakit lalo na kapag ito ay nasa murang edad pa dahil hindi pa alam nito kung paano alagaan ang sarili at sabihin ang nararamdaman.
You May Also Read:
Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.
Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita
Lalong nakakapanlumo kapag ang naging dahilan ng kanilang pagkasakit ay dulot ng bisyo ng ibang tao sa paligid.
Bisyo na minsan ng mga tao ang paninigarilyo kahit pa man ang mahal na nito sa ngayon ay patuloy pa rin ang paggamit nila at walang magandang dulot sa kanilang katawan.
Hindi alintana ng mga user ang malubhang sakit na maaaring maidulot ng paninigarilyo, hindi lang sa kanilang sarili kundi maging sa mga nakakalanghap ng usok nito, lalong-lalo na sa kalusugan ng mga bata.
Marami ang namulat tungkol sa masamang epekto ng paninigarilyo para sa mga batang walang muwang sa posibleng kahihinatnan ng kanilang kalusugan dahil sa pagka-expose mula sa mga usok at sa mga taong gumagamit nito.
Ibinahagi ng isang magulang na si Mary Joy Angeles Villanueva – Llanera ang nakakaawang dinanas ng isang batang nagka-Pneumonia dahil sa kapabayaan at bisyo sa paninigarilyo ng mga taong nakapaligid at nakakasama sa bahay.
“Ang usok ay may nicotine at iba pang chemicals na maaring makakasira sa kalusugan ng tao (sa bata pa kaya)?. Pag once makalanghap ang bata ng usok ng sigarilyo ay unti unti nitong sinisira ang baga,”
“At ito yung sanhi kong bakit mahihirapan ang batang huminga dahil ang daanan ng hangin halos matatakpan ng ng plema. Mas prone ang bata sa pneumonia lalo na di sila marunong lumungad ng plema, kung hahayaan ito maaaring magiging sanhi ng pagkama tay.”
Paalala rin nito sa lahat ng mga magulang na maging maagap pagdating sa kalusugan sa mga bata, hindi dahil sa kaartihan kundi para maiwasan ang pagkakasakit at maprotektahan sila sa kahit anong kapahamakan.
“Di yun kaartihan kundi para sa magandang kalusugan ni baby! Wag niyong antayin na ma admit pa anak niyo dahil sa lin tik na sigarilyo nayan,”
“Dahil unang una bata ang kawawa at mas apiktado hindi ang mga gumagamit ng segarilyo! Ang karamdamang di dapat sa bata sila ang nagdurusa sa sakit at luha!,”
0 comments :
Post a Comment