14 na Beses Nabigo, Pero Di-Sumuko, Ngayong isa na Siyang Milyonaryo dahil sa Kanyang ‘Special Leche Flan’with a twist.

Ang pagpapatayo ng isang negosyo ay sadyang sugal daw, kahit pa man napag-aralan mong mabuti ang mga stratehiya sa pagsisimula nito, darating talaga ang mga pagsubok na pwedeng ikabagsak mo. Pero, para magtagumpay daw sa buhay, wag bilangin ang mga oras na ikaw ay bumagsak bagkus gawin itong aral upang magpursige at i-ahon muli ang pangarap.

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita

Walang naging successful ng isang gabi lamang, lahat ay dumadaan sa mga pagsubok at mahabang proseso. Katulad na lamang ng isang netizen na ito na ngayon ay isa nang milyonarya dahil sa kanyang negosyong special leche flan.

Ayon kay Princess San Diego, labing apat na beses na umano siyang nagtayo ng negosyo pero lahat ng iyon ay nabigo.

Nasubukan na niya ang magtinda ng mga gadgets online, magtinda ng mga barbeque at magkaroon ng sariling kainan. Ngunit lahat ng iyon ay hindi naging matagumpay.

Taong 2016 umano ng maranasan ni Princess ang mga nabigo niyang negosyo. Ganun pa man ay hindi siya nawalan ng pag-asa sa kabila ng hirap at pagod na kanyang pinagdaanan.

Samantala, noong mga panahon na iyon ay nakahiligan niya ang paggawa ng mga matatamis na pagkain o “desserts.”

Tuwing nagpopost siya sa social media ay marami sa kanyang mga kaibigan ang nagtatanong tungkol sa mga gawa niyang desserts. Dito naisipan ni Princess na gawing negosyo ang kanyang hilig.

Nagsimula si Princess sa halagang Php1,000 na puhunan kung saan nakagagawa siya ng 25 piraso na tin can matcha-flavored leche flan.

Ang kada piraso daw ay binebenta niya ng Php150. Mabenta raw ito kaya naman mabilis maubos. Ani Princess, wala pa raw isang linggo ay naging triple na agad ang kayang puhunan.

Dahil sa dami ng tumatangkilik sa gawa ni Princess ay kumikita na siya sa ngayon ng P20,000 sa loob lamang ng isang linggo.

Kwento niya, upang hindi magsawa ang kanyang mga customers ay gumawa rin siya ng iba’t ibang flavors ng leche flan katulad ng Coffee milk tea, Tiramisu , Peruvian flavored flan, Dalgona avocado gelato, at Caramel.

Ang isa raw sa pinaka sikat o mabenta niyang produkto ay ang tin can na ang laman ay iba’t ibang flavor.

Talaga ngang hindi mo malalaman kapag hindi mo sinubukan, “its better to fail than not trying at all” daw.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment