Ang edad na 60-anyos ay tinatawag na retirement age, dahil sa edad na ito dapat nang magpahinga ang isang nagtatrabahong tao, ito ay para bigyan naman ng oras ang sarili at ma-e enjoy ang mga natitira pang mga taon sa pamilya.
You May Also Read:
Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.
Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan
Pero ang katotohanan na ating nakikita sa panahon ngayon, ay malayo sa konsepto na ating pinaniniwalaan. Marami pa ring mga matatanda at uugod-ugod na ang nagtatrabaho sa kalsada upang matustusang ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan.
Katulad na lamang ni lolo na isang pedicab driver na nasa edad na 75-anyos. Nadurog ang puso ng mga netizens ng malaman ang dahilan ng pagkakayod ni lolo sa kabila ng kanyang edad.
Ayon sa post ni Joana Karyl Alforte Arce, ang tanging sagot ni lolo sa mga pasaherong madalas magreklamo sa kanya ay dahil kailangan niyang kumita ng pera upang may pambili ng bigas.
Saad umano ni lolo na kaya naman daw niyang magpadyak pa ngunit mabagal na lamang dahil na rin sa kanyang edad at malakas rin ang hangin.
“Kaya ko naman kaso mabagal lang kasi malakas ang hangin’, ‘Dami nga nag rereklamo minsan kasi mabagal daw pero kailangan ko kasi wala ako pambili ng bigas.”
Makikita naman sa kanyang larawan na may edad na si lolo ngunit malakas pa rin ito gaya ng kalabaw.
Samantala, sa comment section may isang netizen ang nagbahagi ng kompletong pagkakakilanlan ni lolo Nanding.
Ayon kay Maritoni Amigo, “Name:Fernando Villagonza Age:75
303 T.gomez st Quadra brgy 22 m-leo.”
Hiling ng ilang mga netizen, habaan pa ang pasensya dahil maging si lolo ay nangangailangan rin ng pagkakakitaan.
Nagsilbi ring inspirasyon si lolo sa lahat dahil sa kanyang kasipagan. Kahit matanda na ito hindi tumitigil sa pagkayod para makatulong sa kanyang pamilya.
Nag-viral naman ang naturang post at maraming netizen ang nais magpaabot ng tulong kay lolo. Sa katunayan may inabot na groceries sa kanila at bakas ang tuwa sa kanilang mukha.
0 comments :
Post a Comment