‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

May isang empleyado ng restaurant sa Quezon City ang nag trending online matapos na hinangaan ng mga netizens dahil sa kabutihang loob nito na pinamalas sa isang lalaking nagugutom.

You May Also Read:

Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.

Multi-Millionaire na German, Naghahanap ng 10 Mababait na Titira sa Kanyang ‘Paraiso’ sa New Zealand.

Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan

Marami ang nagreak at nagbahagi sa isang post patungkol sa ginawa ng babae kung saan makikitang binigyan niya ng isang box ng pizza ang nagugutom na lalaki. Marami ang naantig sa tagpong yaon at nasaksihan pa ng isang reporter ng GMA News.

Kuwento niya, kumakain sila ng asawang si Eder sa Yellow Cab branch ng SM North EDSA nang dumating ang matanda at humihingi ng tira-tirang pagkain.

Ininom din ng lalaki ang tirang iced tea sa pitsel, gamit ang basong iniwan ng customer.

Paalis na sana ang matanda nang biglang lapitan at kausapin ng waitress sa nasabing pizza parlor.

Makalipas raw ang ilang sandali, bumalik ang babae na may dalang libreng box ng pizza at ibinigay sa pobreng indibidwal.

Halos naipaiyak ang lalaking nagugutom sa ipinakitang malasakit ng service crew na labis niyang pinasalamatan.

“She treated him like a regular, paying customer, even calling him “Sir.” That to me is amazing. And really commendable.”

“Kindness never gets old. It’s amazing that there are still good-hearted people around, who are selfless enough to share whatever they have with others,” pahayag pa ng uploader.

Binigyan din ng mister niya at ilang lalaking customer ng pera ang matandang lalaki para tuloy ang pagiging manigo ng bagong taon nito.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment