Ang swerte naman ng kanyang mapili. Isang Japanese Billionaire may planong mamigay ng mahigit $9 million (P456,273,000) sa kanyang 1,000 Twitter followers upang malaman kung mas mapapasaya sila ng matatanggap na pera.
You May Also Read:
Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.
Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan
Nasa 1 billion yen ($9 million o P456,273,000) ang ipauulan ng tycoon na si Yusaku Maezawa sa mga swerteng Twitter users na kanyang mapipili.
Sa bawat isang mapipili ay makakatanggap ng 1 million yen ($9,100 o P461,342).
Pormal na inanunsyo sa twitter ni Maezawa ang kanyang palaro na pinamagatan niyang “serious social trial” para makita kung ano ang magagawa ng milyong halaga sa buhay ng isang tao.
Mayroong iniwang pahayag ang tycoon para sa mga sasali; gagamitin nila sa kahit saan nila gusto ang mapapanalunan, at ibabahagi sa kanya kung paano ito ginamit.
Para naman malaman kung sino ang mga swerteng pangalan na lalabas, kailangang i-retweet ng sasali ang kanyang anunsyo bago matapos ang Enero 7.
Sa mahigit 4M sumali sa naturang labanan, makatatanggap ng personal na mensahe mula kay Maezawa ang mga mananalo.
Tatanungin ang mga ito sa mga nagawa ng pera, saka hihingi ng tulong sa mga siyentista para sa resulta ng kanyang eksperimento.
Samantala, hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na namahagi ng pera si Maezawa.
Noong nakaraang taon ay nakapagbigay siya ng 100 million yen ($914,000, o P46,304,154) sa kanyang 100 Twitter followers.
Kilala si Maezawa bilang electric billionaire na nagmamay-ari ng mahigit-kumulang $2 billion (P101,322,000,000).
Naiulat din na binili niya ang isang painting noong 2017 na nagkakahalaga ng $111 million (P5,623,371,000) na sinasabing pinakamahal na nabayarang gawa mula sa isang American artist.
0 comments :
Post a Comment