Marami ang nag-aakala na ang pagiging artista ay madali lamang at mabilis ang pagyaman, may komportableng buhay, kaya’t marami ang naghahangad na maging isang artista din. Lingid sa kanilang alam na mahirap din ang kanilang mga pinagdadaanan lalo na kapag malakihang role ang kanilang gagampanan.
You May Also Read:
Lalaki Mula Negros, Naninirahan sa Ilalim ng Bato dahil wala ng Pamilya.
Netizen, Nagbigay Babala sa Pagbili ng Ubas at Mansanas sa Mas Murang Halaga.
Babae, o lalaking artista man ay hindi exempted sa hirap ng pag-eensayo ng kanilang mga role sa gagawing mga palabas. Minsan kinakailangan din nila ng wastong training at mapabilang mismo sa hanay na gusto nilang gampanan. Katulad na lamang ni Arci Muñoz.
Sinabi ni Muñoz sa kanyang instagram post na siya ang kauna-unahang babaeng aktres sa kanyang henerasyon na sumailalim sa Basic Citizen Military Training ng PAF.
Katuwang sa kanyang post ang mga litrato niya na nakasuot ng military uniform at face mask habang nakatayo sa harap ng watawat ng Pilipinas at pagsasanay na magpaputok ng baril.
Hinikayat din ng 31-year-old actress ang mga kapwa kababaihan na mag-enlist.
Kasama na ngayon si Muñoz ang male celebrities na sina Matteo Guidicelli at Dingdong Dantes na parte ng reserve force ng bansa.
Maraming hirap na dinanas si Arci hanggang matapos niya ang kanyang training.
0 comments :
Post a Comment