Pangamba ang naging hatid ng balitang ito mula sa NASA o National Aeronautics and Space Administration. Isa di umanong higanteng asteroid na pinangalanang JF1 ang maaaring bumagsak sa mundo at ito ay halos kasinlaki umano ng Great Pyramid of Giza, at sinasabing tatama sa ika-6 ng Mayo, taong 2022.
You May Also Read:
Lalaki Mula Negros, Naninirahan sa Ilalim ng Bato dahil wala ng Pamilya.
Netizen, Nagbigay Babala sa Pagbili ng Ubas at Mansanas sa Mas Murang Halaga.
Nasa 0.026% lamang o o isa sa bawat 3,800 ang posibilidad na tumama ito sa mundo, subalit kapag nagkataon, ay magiging mapaminsalang pangyayari.
Ang sinasabing asteroid ay may lakas na katumbas ng pagsabog ng isang 230 kilotons ng trinitrotoluene o TNT. Ito ay mas malakas ng 15 beses sa atomic bomb na may lakas na 15 kilotons na puminsala sa lungsod ng Hiroshima noong 1945.
Ayon sa naturang ulat, “Even if the asteroid was to avoid civilization and hit ‘the remotest part of the Pacific Ocean,’ the impact would still be powerful enough to cause devastating tsunamis and ‘nuclear winter.’”
Simula nang matuklasan noong 2009 ang maaaring maging mapaminsalang Asteroid Jf1, patuloy ang pagbabantay ng NASA Jet Propulsion Laboratory dito sa pamamagitan ng Sentry na isang “highly automated collision monitoring system that continually scans the most current asteroid catalog for possibilities of future impact with Earth over the next 100 years.”
Ayon sa mga siyentipiko, ang dambuhalang asteroid ay may sukat na aabot sa 420 talampakang lapad at 130 metro naman ang diameter nito.
0 comments :
Post a Comment