Isang sikat na Aktor si Robin Padilla na tinagurian pang “badboy” noong kasikatan niya subalit salungat pala ang ugali nito sa totoong buhay. Siya ay nakapangasawa sa kilala ring host na si Mariel Rodriguez.
You May Also Read:
Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.
Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan
Kamakailan ay naging laman ng usap-usapan sa social media ang kanilang pamumuhay at pakikitungo sa kasamahan sa bahay, magmula sa mga yaya, driver at kasambahay nito. Kung ating matatandaan ay noong araw ng mga puso ay pinag celebrate nila ang kanilang mga kasambahay na parang tunay nilang kapamilya.
Hinangaan ulit sila ng mga netizens nang silang mag-asawa ay nagpatayo ng apartment para sa kanilang mga kasambahay. Ang nasabing apartment na regalo ng mag-asawa sa kanilang mga kasambahay ay ipinakita sa YouTube channel ng TV host na si Mariel.
Ayon sa mag-asawa, ang regalo na ito ay isa sa kanilang paraan para ipakita ang kanilang pagpapasalamat at pagpapahalaga sa serbisyo na ibinibigay sa kanila ng kanilang mga kasambahay.
Mahal at malaki ang malasakit nina Robin at Mariel sa kanilang mga kasambahay kaya naman ginagawa nila ang kanilang makakaya para mapasaya at makapagpasalamat sa kanilang mga kasambahay na siyang naaasahan at tumutulong sa kanila sa araw-araw.
Labis na nami-miss at nais na umanong makita ng mga kasambahay ang kanilang mga pamilya kaya naman hindi na nagdalawang isip pa ang mag-asawa na ito ang siyang iregalo nila para sa mga ito.
Ideya umano ni Robin ang pagpapaggawa ng apartment sa Museo Padilla. Ayon kay Mariel, naging mahigpit umano sila sa pagpapalabas ng mga tao sa kanilang bahay simula noong magkaroon ng pand3miya sa bansa para na din masiguro ang kaligtasan ng bawat isa sa kanila.
Ngayon na mayroon ng apartment ang kanilang mga kasambahay, tiyak na makakasama na muli nila ang kanilang mga pamilya kaya naman hindi maiwasan ng mga kasambahay na maging emosyonal para sa regalong ito na handog nina Robin at Mariel.
Ani Jo, isang midwife na mahigit ng tatlong taon na nagtatrabaho sa pamilya nina Robin at Mariel,
“Nagpapasalamat po akodahil napapunta ako sa pamilya nyo.”
Saad naman ng isa pa nilang kasambahay,
“Kakaiba po ang naranasan namin dito, hindi namin mararanasan sa iba. Iba po yung ipinapakita ninyo sa amin. Kakaiba po ang pakiramdam. Parang at home na at home po ako dito sa bahay ninyo.”
0 comments :
Post a Comment