Isang napaka swerte na lalaki mula sa Tanzania na naging isang instant multi-millionaire matapos makatagpo ng dalawa sa umano’y pinakamalalaking precious tanzanite stones.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Sa ulat ng BBC, ibinenta ni Saniniu Kuryan Laizer, 52, sa gobyerno ang natagpuang bato na itinuturing na pinakamamahalin at pinakamahalagang bato sa naturang bansa.

Ipinagbili ito sa halagang 7.7 billion Tanzanian shillings ($3.3 million o halos P150 million)Mayroon namang bigat na mahigit 9kg ang isa sa mga bato habang nasa 5kg ang isa pa.

Ayon kay Laizer, nakuha niya ang mga ito sa northern Mirerani hills, lugar na ipinasara noong 2018 ni President John Magufuli para matigil ang ilegal na pagmimina.

Ito rin daw ang kaisa-isang pook sa mundo na kakikitaan ng naturang mineral.

Nang makapanayam ng BBC, sinabi ni Laizer na bukod sa malaking selebrasyong magaganap, plano daw niyang magpatayo ng shopping mall at maliit na eskwelahan sa kanilang lugar.

Marami raw kasi sa mga kabataan doon ang walang edukasyon dahil sa hirap ng buhay.

Samantala, isang pagbati naman ang natanggap niya kay President Magufuli.

Nakaraang taon nang magtatag ang Tanzania ng trading centres para payagan ang mga minerong hindi nagtatrabaho sa kahit anong mining company, na magbenta ng perlas at ginto direkta sa gobyerno.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment