Sa hirap ng buhay ngayon dulot ng pandemya, hindi ito naging dahilan upang masilaw sa napulot na wallet na may laman ang parking boy na ito mula sa Marikina City.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Naging mahirap ang kasalukuyang kondisyon at mayroon pang sakit na iniinda itong si Jheonathan Romasanta, subalit imbes na itago ang napulot na wallet, bukal sa loob niya itong isinauli.

Kuwento ni Charlon Ignacio sa Facebook post, hindi niya napansin na nahulog ang kanyang pitaka nang nagtungo siya sa ATM para mag-withdraw noong Abril 11.

Nang makauwi at mapagtanto ang nangyari, sinubukan niya pang balikan ang lugar ngunit wala na roon ang wallet.

Buti na lamang ay naisipan niyang magtanong sa malapit na convenience store tungkol sa CCTV, dahil doon niya nalamang may nakapulot na pala ng kanyang wallet.

“Suprisingly, the man knew my name because he said that the barker/parking attendant picked up my wallet and was trying to find me in the store,” sabi niya.

Binigyan siya ng pangalan at number ng isang lalaki na ayon sa staff ay kasama ng good Samaritan na pumunta sa malapit na police station.

“I went to police station and they gave it back to me. They were already searching for me in facebook to message me about my missing wallet. Kudos to our policemen in Marikina!”

Upang personal na pasalamatan ang mabuting parking attendant, tinawagan niya ang nakuhang numero at doon na sila nagtagpo sa istasyon.

Napag-alaman niyang walang regular na trabaho, walang tirahan at may thyroid disease si Romasanta, ngunit ibinalik pa rin nito ang napulot niyang pera.

“Ni hindi pumasok sa isip nya na kunin na lang yung wallet ko para pambili nya ng pagkain or gamot. God bless you Kuya! I know the Lord will return the blessings to you at alam ko na higit pa yun sa laman ng wallet ko,” aniya.

Pinasalamatan niya rin ang lalaking sumama kay Romasanta na si Emmanuel Villegas na siyang nagsukli sa kabutihang ipinakita ng parking boy.

“When Jheonathan picked up my wallet, unknowingly, he was being observed by Emmanuel and wanted to check his move,” kuwento ni Ignacio.

“When he found out that Jheonathan wanted to return my wallet, he bought him food, OFFERED him a job and accompanied him to police station to return my wallet. Thank you Sir and God bless you too!,” aniya.

Dahil sa nangyari, napagtanto raw ni Ignacio na sa kabila ng krisis ay mayroon pa ring mga taong nananatiling mabuti.

Hiling niya, makarating sa kapatid ni Romasanta na si Gerald ang kabutihang ginawa nito.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment