Ano ba ang wish mo ngayong pasko? Baka matupad yan ng Boss mo. Maliban sa mga 13th, 14th month may iilang kompanya na nagbibigay ng karagdagang incentives sa mga empleyado base sa kanilang mga naging performance sa kanilang trabaho sa loob ng isang taon.
You May Also Read:
Lalaki Mula Negros, Naninirahan sa Ilalim ng Bato dahil wala ng Pamilya.
Netizen, Nagbigay Babala sa Pagbili ng Ubas at Mansanas sa Mas Murang Halaga.
Gaya na lamang ng isang kompanyanng ito na nagbigay ng sobrang galanteng bonus, isang real estate company at ang kanilang Presidente ay nagbigay ng $10 milyon (mahigit P500 milyon) na bonus.
Inanunsyo ng St. John Properties ang sorpresa para sa 198 empleyadong may parte sa naturang bonus sa ginanap na holiday party noong Sabado sa Baltimore, Maryland sa US.
Sa video documentation ng party, makikitang gulat at naluha pa ang ilan nang buksan ang hawak na pulang envelope at madiskubre ang halaga ng natanggap nila.
Ayon sa kompanya, naglalaro sa $50,000 (higit P2.5 milyon) ang natanggap ng bawat empleyado base rin sa taon ng kani-kanilang serbisyo.
Paraan umano ito ng founder at chairman na si Edward St. John para ipagdiwang ang nakamit nilang goal na 20 million square feet ng office space at retail warehouse sa walong estado sa US.
“To celebrate the achievement of our goal, we wanted to reward our employees in a big way that would make a significant impact on their lives,” ani St. John.
“I steer the boat but they’re the ones that run the boat, they’re the ones that make the boat go. Without the team, we are nothing. We are absolutely nothing,” dagdag niya bilang pasasalamat.
Inilarawan naman ng ilang empleyado ang pangyayari bilang “magical” at “life-changing.”
0 comments :
Post a Comment