Bakit nga ba naaatim ng mga magulang na iwan nalang ng basta-basta ang kanilang mga anak? Dapat ay kanila itong alagaan at bigyan ng mabuting buhay at edukasyon. Bawat bata ay may karapatan kaya maaaring managot sa batas ang mga pabayang magulang.

Sa panahon natin ngayon na napakahirap pa ng buhay dulot ng pandemya na hindi pa natukoy ang katapusan at pananalasa nito, mas naging mahirap ang sitwasyon ng mga taong walang regular na trabaho.

You May Also Read:

Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.

Multi-Millionaire na German, Naghahanap ng 10 Mababait na Titira sa Kanyang ‘Paraiso’ sa New Zealand.

Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan

Maraming mga negosyo ang apektado at nagsara, marami ring buhay ang nawala at mga naiwang pamilya na walang kinakapitan na ama at ina.

Kaya may isang post sa social media na kamakailan ay nag trending tungkol sa magkakapatid na wala ng mga magulang na umaaruga.

Sila ay ulila na pagkat ang kanilang ama ay binawian ng buhay nitong Agosto lamang habang ang kanilang ina ay sumama na sa ibang lalaki.

Upang sila ay mabuhay at makakain sa loob ng isang araw, kinakailangang pumalaot ng panganay sa kanila upang sila ay may makain. Ngunit kadalasan, niyog at toyo lamang ang kanilang laman tiyan.

Ito ay ibinahagi ng kanilang nagmamalasakit na kapit bahay na si Jopay De Guia.

Nais niyang humingi ng tulong para sa magkakapatid na ito pagkat mayroon mang mga kapit bahay na nagnanais tumulong ngunit hindi pa din ito sapat upang matulungang lubos ang magkakapatid dahil pare- pareho din silang wala.

Lungkot at awa ang kaniyang naramdaman dahil mas madalas ay walang kinakain ang mga ito at nagpapalipas na lang ng araw na kumakalam ang tiyan.

Madaming netizens ang nakakita at nakabasa ng post ni Jopay, sa awa ng Diyos ay madami ang nagnanais na tumulong sa kanila.

Maging ang iba ay nag mention na ng mga pribadong tao at programang naglalayon na tumulong sa mga ganitong sitwasyon.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment