Humingi Ng Tawad Sa Kaniyang Mga Anak si Tatay,Dahil Kamatis, Tsitsirya, At Itlog Ang Kanilang Ulam

Bilang isang magulang napakasakit kapag hindi mo kayang ibigay ang buhay na matiwasay para sa iyong mga anak. Katulad po ni tatay, na ganun nalang ang paghingi niya ng paumanhin sa kanyang mga anak dahil sa ganito lang ang kayang maibigay niya sa kanyang mga anak.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Ang naging ulam ng pamilya ay kamatis, itlog at tsitsirya dahil umanoy wala pa itong sahod.

Mula sa Facebook page na Trending Viral, ganito ang sinabi ni Tatay:

“Mga anak, pag-pasensiyahan n’yo muna ang hinapag ko ngayong Lunes. Hindi sumuweldo ang tatay n’yo, mahina ang pasada.”

Pagko-comfort pa ng ama, isipin na lamang daw ng kaniyang mga anak na ang “itlog ng dinasaur” at ang “salmon fish” ay nabili pa niya sa ibang bansa kasama na din ang “kamatis na galing sa Canada.”

Ayon pa sa ama, wag na lamang daw pansinin ng kaniyang mga anak ang pagtunog ng kanilang mga bituka dahil sa kanilang pagkain.

“‘Wag nyo na lang papansinin mag-kulubot na lang kayo para ‘di gugulo ang bulati n’yo sa stomach hahahhahahaa. senya na sa mga post ku.puro katotohanan yan. STAY SAFE.”

Umani din ito ng iba’t ibang reaksyon ula sa mga netizens. Ayon sa ilan, maging positibo lang daw dang ama dahil pasasaan ba at makakaraos din sila.

“Laban lang ‘tay, pasasaan pa at makakaraos din tayong lahat, ‘wag lang bumitaw kay Papa God.”

Komento naman ng ibang netizens na dapat ay magpasalamat pa din sa Panginoon dahil kaunti man o marami ang kanilang pagkain, ito ay biyaya pa din na ibinigay ng Maykapal sa kanila.

“Ipagpapasalamat po sa Diyos ang lahat, kaunti man o marami, blessing po ‘yan lahat lalo na po ang kalusugan. Kami po, lumaki lang din sa bukid na saging at kamote ang kinakain namin noon, pero may awa po ang Diyos. Dasal lang po. ‘Di niya tayo pababayaan.”

Saad naman ng ibang netizen,

“Naranasan nga namin na isang itlog pinaghati-hatian pa namin ng asawa at tatlo naming anak. Pero nagpapasalamat kami at least, may nakain pa rin kami. Minsan wala talaga.”


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment