Sa bawat paglipas ng panahon, tila naging kakaiba na ang takbo ng panahon, ang init na dala ni haring araw ay matindi kumpara noong namulat ka sa mundo, kung kaya’t tuwing tag-init, tao o hayop man ay naghahanap ng malamig na lugar para ito ay labanan.
You May Also Read:
Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?
Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.
Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.
Isa sa naging solusyon ng mga tao ay ang pagbabad sa harap ng electric fan, at maswerte na rin kung mayroong mga aircondition sa bawat tahanan. Subalit, ang pagkokonsumo ng aircondition ay lubhang masakit rin sa bulsa pagsapit ng electric billing, kaya kadalasan ay may kaya lang sa buhay ang gumagamit nito.
Kung kaya’t kakaiba ang aso na ito na kinainggitan naman ng ilang netizen dahil ang kanyang bahay ay mayroon pang sariling aircon.
Buhay hari umano kung maituturing ang asong ito dahil, maliban sa aircon ay naka-tiles pa umano ang sahig ng bahay nito at gawa naman sa ‘roof shingles’ ang bubongan nito.
Dahil sa espesyal na bubong na ginamit sa bahay ng asong ito, napapanatiling maaliwalas ang loob nito at ang hangin na pumapasok dito.
Kaya naman, hindi maikakaila na mas komportable pa umano kaysa sa ilang tao sa mundo ang buhay na mayroon ang asong ito. Ikaw ba naman ang magkaroon ng asong may sariling aircon sa kanyang munting bahay, hindi mo ba naman maituturing na prinsipe o hari ang asong ito.
Ayon sa may-ari ng naturang aso, ang kanya umanong ama ang naglagay ng aircon sa bahay ng kanyang alaga. Ideya umano ito ng kanyang mga magulang na bigyan ng mala-haring buhay ang kanyang aso.
Ngunit, pagbabahagi pa nito, bago umano maging paborito ng kanyang mga magulang ang kanyang aso ay noong una, ayaw na ayaw umano ng mga ito rito. Hindi raw mahilig ang mga ito sa pag-aalaga ng hayop.
Ngunit, nang magtagal ay bigla umanong nag-iba ang ihip ng hangin sa mga ito. Nagustuhan at minahal na rin umano ng kanyang mga magulang ang kanyang alagang aso kaya ngayon ay hindi raw maikakaila na talagang ‘spoiled’ na ang alaga niyang ito.
“My parents are old school Mexicans who hated pets back then. Now they treat this dude like a king,” pagbabahagi pa nito.
Hindi man gusto noong una, di kalaunan ay napalambot din ng asong ito ang puso ng kanyang mga magulang kaya ngayon ay komportableng nang namumuhay ang aso.
Nang mag-viral sa social media ang mala-haring pamumuhay ng asong ito na may sariling aircon sa kanya ring sariling bahay, hindi umano maiwasan ng mga ito na mainggit sa naturang aso.
Mabuti pa nga raw umano ang aso ay ini-enjoy lamang ang pagkakaroon ng sariling aircon habang sila naman ay nagtitiis sa init ng panahon. Komento pa nga ng ilan sa mga ito,
“Wow may maliit palang AC? Ganyan din gagawin ko sa mga alaga ko. Electric fan lang ang gamit nila sa loob ng bahay nila.”
0 comments :
Post a Comment