Huli at Kulong!Misis Dali-daling Nagtago sa Kisame ng Motel Matapos Mahuli ni Mister na Kasama ang Kabit

Madali lang para sa iba ang maghanap ng iba pang ka relasyon kahit na sila ay nakatali na sa ibang tao. Pakiki-apid na sa utos ng Diyos ay isa itong malaking kasalanan.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Kamakailan lamang ay naging laman ng balita at sa social media ang isang kaganapan sa Cebu City. Sa sobrang takot ng babae ay natagpuan itong nakatago sa kisame ng Motel matapos siyang mahuli ng mister na nag check-in dito kasama ang di umanoy kanyang lalaki.

Nangyari ang insidente na ito sa Cebu kung saan, dinala ng mga pulis ang nasabing misis at kabit nito sa Mandaue City Police Office matapos na mahuli sa akto ng mister.

Ayon sa ulat, magkasama pa raw na sumakay ng taxi ang nasabing mag-asawa ngunit, mas naunang bumaba ang mister habang si misis naman ay didiretso umano sa trabaho. Ngunit, duda na umano si mister sa pupuntahan ng misis nito kaya nagdesisyon itong sundan ang asawa.

Habang sinusundan ang misis, nasaksihan nito ang pagpunta ng huli sa isang pier sa Cebu at pinasakay sa taxi ang kabit nito. Ayon sa ulat, parehong seaman ang trabaho ni mister at ng kabit ni misis.

Papunta pala ang dalawa para magcheck-in isang motel sa Cebu at hindi namalayan ng mga ito na nakasunod sa kanila ang mister ni misis.

Kaya naman, habang nasa gate ng naturang motel ay tumawag umano ang nasabing mister sa isang kaibigan nito upang magpatulong na magdala ng pulis sa kinaroroonan niyang motel. Gusto nito na ipadampot ang dalawa at hulihin sa kanilang akto.

Ayon sa lalaki, mukhang nakapansin na umano ang dalawa sa loob ng motel na sinundan niya ang mga ito kaya naman, nauna raw na lumabas sa kwarto ang kabit ni misis. Nang mga oras na iyon ay dumating na rin ang mga pulis na pinatawag ng legal na asawa.

Dala-dala pa raw ng kabit na lalaki ang bag nito ngunit di nito kasama ang babae. Kaya naman, pinasok ng mga pulis ang kwarto na nirentahan ng dalawa pero wala na roon ang babae. Akala ng mga pulis ay nakatakas na ito.

Ngunit, ganun na lamang ang gulat nila nang may narinig mula sa kisame ng kwarto. Nabutas umano ito at nahulog ang suot na ‘sandals’ ni misis. Nagtago pala sa kisame si misis kaya naman, pinilit nila ito na bumaba at sumama sa kanila.

Ayon sa ulat at ilang mga larawan ay gumamit pa ang mga pulis ng hagdanan upang mapababa ang babae.

Matapos nito ay dinala na ang dalawa sa Mandaue City Police Station. Ayon sa mister ay desidido umano ito na sampahan ng kaso ang dalawa at pagbayarin ang mga ito sa ginawa nilang kataksilan sa kanya.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment