Hinangaan ng mga netizens ang isang Lolo mula sa Tacurong City na kinilala kay Lolo Bonifacio Gadola Santola Sr. Si Lolo ay 93 anyos na at nag viral ang kanyang mga larawan sa scoial media dahil sa matiyaga niyang pagturo sa kanyang mga apo.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Dahil sa ating kinakaharap na pandemya ngayon, isang malaking hamon para sa mga mag-aaral at magulang nila kung paano maitawid ang ganitong uri ng learning system. Online classes ang karaniwang pamamaraan ng mga guro at learning module naman para sa mga hindi maabot ng internet connection o mga nasa pampublikong paaralan.
Kaya isang malaking pagsubok rin para kay lolo ang matiyagang pagtuturo niya sa kanyang mga apo sa kabila na matanda na ito.
Lalong napa wow ang mga netizens ng malaman nilang gumagamit si lolo ng magnifying glass para mabasa ng maigi ang nakalagay sa module.
Kilalanin po natin dito si Lolo Bonifacio na pinost ng Deped Tayo soccsksargen:
“Si Lolo Boning ay treasurer sa Office of Senior Citizen (OSCA) sa Tacurong at hindi siya tumatanggap ng sahod dahil para sa kanya ito ay “labor of love”. Tuwing magkaka panahon ito, o matapos niya ang kanyang mga gawain ay agad nitong tinatawag ang kanyang mga apo upang sagutin ang kanilang mga modyul.
Gamit ang magnifying glass ay isa isang binabasa ni Lolo Boning ang mga modyul upang ipaliwanag sa mga apo ang nilalaman nito. Sa karagdagan, si Lolo ay dating cashier ng isang malaking kooperatiba sa rehiyon, at noong siya ay nasa kolehiyo ay kumuha ng accounting, at nakakamangha sapagkat mga accounting subjects ang kanyang nakahiligan, na siya namang iniiwasan ng iilan. Hindi man siya nakapagtapos ng kolehiyo ay nagawa parin nyang mapagtapos ang kanyang mga anak.
Ngayon hindi pa nagtatapos ang kanyang misyon, dahil ang kanyang mga apo naman ang kanyang pinagtutuunan ng pansin.
Isa kang dakila Lolo Boning, pinatunayan mong ang edad ay hindi hadlang upang magturo.”
0 comments :
Post a Comment