Mabilis na nagtrending sa social media ang kwento ng isang netizen patungkol sa di makakalimutang pangyayari sa kasal nila noon ng kanyang Misis.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Sa isang Facebook post na nagmula kay John Alvin Torrente, kasabay ng pagbabahagi niya ng kanilang mga larawan noong kasal nila ay naalala niya rin ang isang nakakatawang pangyayari ng mga oras ding yun na nagpatawa naman sa mga nakabasa ng kanyang post.
Ayon kay John Alvin, dalawang taon naman daw ang nakakaraan, baka pwedeng maikwento niya na ang naturang pangyayari.
Kwento ni John Alvin, pagkatapos daw kasi bitawan ng kanya na ngayong misis ang kanilang wedding vow, lumubo daw ang sipon nito kaya hindi niya na napigilang matawa hanggang sa matapos ang kanilang kasal.
“Alam nyo bang pag tapos ni ijo bitawan ung wedding vow nya lumobo ung sipon nya at mula nun di na ko nakinig kay father tumawa nlng ako ng tumawa hanggang matapos yung kasal. Hahaha sabi nya wag ko na ipagsabi pero 2 years naman na kaya baka pde na ikwento,” paglalahad pa ni John Alvin.
Sa mga larawan na ibinahagi nito, makikita ang netizen na tawang-tawa habang nakaharap sila ng kanyang bride sa altar. Abot tenga ang ngiti nito sa mga larawan at halos mapaiyak pa nga sa sobrang katatawa.
Tanong naman ng karamihan sa mga netizen, ano raw kaya ang naging reaksyon ni Father nang makita ang paglobo ng sipon ng bride at walang humpay na tawa naman ng groom.
Pahabol pang kwento ni John Arvin, muntik pa raw silang mag-away ng misis niya dahil sa katatawa niya habang ikinakasal sila. Hindi pa natatapos dito ang kwento ng netizen dahil aniya, naulit pa umano ang pangyayari sa reception naman ng kanilang kasal.
“Eto pa malupet nung hiniwa na namin ung cake lumobo ulit hahahaha king ina kaya girls plz wag kayo magpakasal ng may sipon kayo para di mag mukhang tanga asawa nyong tumatawa mag isa,” dagdag kwento pa ni John Alvin.
Kaya naman, komento pa ng mga netizen sa naturang Facebook post, bago raw magpakasal ay dapat siguraduhin muna ng bride at groom na walang sipon ang mga ito.
Gayunpaman, bumawi naman si John Alvin sa misis at nagbahagi ng isa pang Facebook post para naman batiin ito sa kanilang wedding anniversary. Kasabay ng isang larawan na reaksyon daw nila nang naging viral ang kanyang Facebook post, isinaad dito ni John Alvin kung gaano niya kamahal ang asawa.
`
“Mahirap ang buhay may asawa pero masaya ko na ikaw ang kasama ko sa mga hirap na un hehe kapit lang neng mahaba pa ang lalakbayin naten galingan naten lagi para kay waiwai at sa mga magiging anak pa naten i love you so much irijoro happy anniversary,” saad pa rito ng naturang netizen.
0 comments :
Post a Comment