Masaya ang pamilya kapag mayroong mga anak ang mag-asawa, sila ang nagsisilbing inspirasyon sa mag-asawa upang maging mabuting magulang at maging masipag para sa kinabukasan. Ang mga anak din ang nagiging dahilan ng pagkakasundo ng mga mag-asawang minsan ay may tampuhan.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Kaya sa pag-aasawa, hindi mawala ang pagplano ng pagkakaroon ng mga anak, subalit napakalungkot na may mga mag-asawa na hindi nabiyayaan nito.
Swerte ang mga anak kung maituturing, subalit sa ibang mga hindi kayang bumuhay ay pabigat lang daw ito. Bihira ang pagkakaroon ng kambal na anak, at marami ang nangangarap nito.
Kaya napaka palad ng mag-asawang Wisconsin na ito na nakatira sa isang farm sa Union Grove ay nabiyayaan ng 3 pares o kambal na anak na mag kakapareho ang petsa ng kanilang mga kaarawan.
Naka plano na ang mag asawang Carrie at Craig Kosinski na mag-ampon ng bata simula noong napag alaman nila na si Carrie ay mayroon palang Endometriosis at iba pang depekto sa kaniyang ovulation.
Sabi ni Carrie, “Adoption was always a part of what we had planned… but we wanted to try to have our own children first and then adopt.”
“But we were told by the doctors we wouldn’t be able to have kids on our own,” dagdag pa niya.
Pumunta sila Carrie sa kaniyang kaibigan upang ampunin ang kambal na anak nito. Makalipas ang isang taon ay inalok siyang muli ng kaniyang kaibigan kung gusto niya bang ampunin pa ang mas nakatatanda niyang kambal na anak. Dahil sabik sa anak ang mag asawa, hindi nila ito hinindian.
Nang kasalukuyang inaayos na ang mga papeles at isinasagawa ang proseso ng pag aampon sa dalawang pares o kambal, may kakaibang naramdaman si Carrie sa kaniyang katawan kaya agad siyang nag patingin sa doctor.
Doon napag alaman na siya ay buntis. Hindi lang isa, kung hindi kambal din ang kanilang magiging anak
Ang kanilang biological twins ay pinangalanang Clarissa at Karraline. Isa pa sa nakakamangha ay ipinanganak ang kambal noong ika- 25 na linggo ng pag bubuntis ni Carrie.
February 28, 2016 ang kapanganakan ng kambal na tumugma at sumakto sa petsa na kung kailan ipinanganak din ang dalawa pang pares ng kambal na kanilang inampon mula sa kanilang kaibigan.
Ang kambal na JJ at Cece ay ipinanganak noong February 28, 2013 habang sila Adalynn at Kenna naman ay noong February 28, 2014. Ang mag asawa ay ganap nang legal guardian ng mga kambal na ito.
Kung ating titingnan, isa ito napakalaking biyaya para sa mag asawa na noong una ay nasasabik sa mga anak ngayon ay binigyan na ng anim na supling.
Sobrang saya nilang mag-asawa kahit pa man napaisip sila na malaki ang gagastusin sa pagpapalaki sa kanila, pero mas nanaig sa kanila ang pagmamahal sa mga bata kung kaya’t gustong nilang alagaan ang mga ito.
0 comments :
Post a Comment