Isang Ina, Pinasok ang Trabaho bilang isang Construction Worker dahil sa Pandemya at Kahirapan, kaysa Malubog sa Utang.

Walang katumbas ang hirap na dinaranas ng mga Ina para sa kanilang mga anak. Ayon pa nga sa sabi ng iba, mas matatag daw ang mga Ina kaysa mga Ama dahil kaya nilang gawin pati responsibilidad ng pagiging Ama.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Kahit pa nga isusubo na nila ay ibibigay pa sa kanilang mga anak, dahil sa kanilang pagmamahal dito, kaya napaka swerte mo kung mayroon kang Inang gumagabay hanggang sa paglaki mo.

Kaya hinangaan sa ngayon ang isang Ina na tinagurian nilang Wonder mom dahil sa kaniyang lakas ng loob sa pagpasok at pagtatrabaho bilang isang construction worker para sa kapakanan ng kaniyang mga anak.

Kinilalang si Joan Diviva ang inang ito na ibinahagi ang kwento sa programa ng GMA na Wish ko lang.

Ayon sa kaniya, ang kaniyang pinagkakakitaan talaga ay ang pag titinda ng mga prutas habang ang kaniyang asawa na si Sherwin Lacao ay ang tunay na construction worker talaga.

Ngunit dala ng pand3mya ay hindi na nagawang makauwi ang kaniyang asawa sa kanila.

Naiwan sa kaniya ang kanilang tatlong anak. Dahil din sa pandemya, nalugi siya sa pagtitinda ng prutas kaya nag desisyon siyang pasukin ang isang mapanganib, napakahirap at napakabigat na trabaho bilang construction worker.

Ininda niya ang pagod, hirap at init sa pagtatrabaho habang nasa ilalim ng matinding sikat ng araw kaysa mabaon sa utang ang kaniyang pamilya.

Sa paraan na ito, nagagawa naman na nilang makakain 3 beses isang araw. Ginampanan ni Joan ang isang pagiging ama habang patuloy ang kaniyang pagiging ina.

Umuuwi siya ng tanghali para ipaghanda at ipagluto ng pagkain ang kaniyang mga anak. Madami ang naantig at humanga sa kaniyang kwento.

Bilang tulong na ibibigay ng Wish Ko Lang, sinundo nila ang kaniyang asawa na si Sherwin at sinurpresa nila si Joan at ang mga anak nito bukod pa sa ibinigay na pangangailangan nito.

Hindi naman daw nagsisi si Joan sa kaniyang ginawang desisyon pagkat ito ay isang halimbawa ng lubos na pagmamahal ng isang ina.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment