Dahil sa napakalakas na ulan na dala ng Bagyong Ulysses, hindi lamang sa Metro Manila ang nakaranas ng matinding pagbaha kundi pati na rin sa Laguna.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Pero naging laman ng usap-usapan sa social media ang bahang naganap sa lalawigan ng Laguna sa Paki. Di katulad kasi ng mga nakasanayan nating tubig baha , ang baha sa laguna ay malinis at malinaw at isa pang hinangaan nila ay wala kang makitang basura na palutang-lutang.

Karaniwan na tubig baha kasi ay kulay Putik at marami pang mga basurang inaanod na siyang dumadagdag sa mabilisang pagtaas ng lebel ng tubig.

Sumagot naman kaagad si Pakil Mayor Vince Soriano tungkol sa pangyayaring ito na tila phenomenon ang pagbaha sa lugar na kaniyang nasasakupan.

Sa kaniyang official Facebook page, inihayag ni Soriano ang tunay na dahilan kung bakit malinis at malina ang tubig baha sa kanilang lugar sa Pakil, Laguna.

Aniya,

“Ang dami pong nagmemensahe at nagtatanong sa akin ukol sa mga larawan pong ito na posts ng aming kababayang si Ms. Lorraine Antazo kaya minarapat ko na rin pong mag-post dito sa aking page ukol rito.

“Sa mga nagtatanong kung saan po ito sa Pakil, kuha po ang mga larawang ito sa Malaking Ilog na sakop ng Barangay Burgos sa Poblacion.

“Para po sa kabatiran ng lahat, ang ilog pong ito ay natural na malinis dahil ang tubig na dumadaloy dito ay nanggagaling direkta sa Turumba Spring Resort. Deklarang Fish Sanctuary rin po ito ng aming bayan.

“Noong humupa ang Bagyong Ulysses kahapon, iyon po ang kinalabasan ng baha sa naturang lugar.

“Salamat Ms. Lorraine at ang posts mong ito ng bahang normal nang nararanasan ng mga taga-Barangay Burgos ay nagbigay ng mga ngiti sa maraming mga Pilipino.”

Paalala naman ni Soriano para sa kaniyang mga kababayan na maaari nilang bingwitin o kunin ang mga isda na nakawala mula sa fish sanctuary ng Pakil.

Ang naturang lungsod ay kilala bilang tahanan ng mga mapaghimalang santo kasama na dito ang Nuestra Senora delos Dolores de Turumba.

Ang bukal naman ng Turumba ay matatagpuan sa likod ng Saint Peter of Alcantara Parish. Ito ay naging usap-usapan ng mga residente doon na may kakayahan umano itong makapagpagaling ng masamang karamdaman kung ang isang tao ay maliligo sa nasabing bukal.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment