Kanya-kanyang kayod ang ginagawa ng mga tao sa panahon ngayon lalo pa na limitado lamang ang access sa mga establisyimento, kaya isang malaking hamon ito para sa lahat na mga nagbabanat ng buto.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Subalit, kahit ganito pa man kahirap ang sitwasyon, may mga tao pa rin na busilak ang puso na handang magbigay ng tulong sa mga taong di naman kaano-ano ng walang inaasahang kapalit.

Kagaya na lamang ang nangyari sa isang sign pen vendor kung saan masisilayan sa mga larawan na ibinahagi ni Natsu Draignel, kausap ng vendor ang isang di kilalang babae. Nabanggit na humihingi ang lalaki ng kahit na anong “extra” sa mga tao sa downtown area. Baka ito na lamang ang tanging naiisip niya para kahit papaano’y may maipambibili ng makakain at maka-survive siya at ang kanyang pamilya sapagkat kakaunti ang kinikita.

Kalaunan, batay sa kuwento ni Natsu, dumating ang isang babae na nagbigay ng “bagful of goods” sa mama at inalok pa umano niya ang maglalako para kumain sa kalapit na Chinese fastfood chain.

Nang una’y tinanggihan ito ng sign pen vendor sapagkat wala siyang face shield pero pinilit siya ng kausap at sinabihang siya na rin ang bahala sa face shield nito.

Muling naibahagi ang kuwento sa FB page na Premier News Ventures kung saan mayroon nang 6,000 reaksyon at nasa 2,000 pagbabahagi ang update habang ipino-post ito. Umani ng papuri ang pagtulong ng ale.

Komento ng isa, “Palagi ko siyang nakikita sa downtown, maliit lang ganansiya niya. Siguro puro sakripisyo lang talaga. God bless you Ma’am. Pagpalain ka sa iyong pagtulong.”

Saad pa ng iba, “Thank you Lord for sending this angel and more angels to come for manong. Small act of kindness is a big thing for somebody. God bless manong.”


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment