Si Tatay na nag-aayos ng payong ay Sumisikap at Mga Alagang Aso Tumutulong sa Paghila ng Kariton nito.

Umani ng papuri ang isang tatay na mula sa Tacloban kung saan ay naglalakad ito sa daan para maka hanap ng customer na magpapaayos ng kanilang mga sirang payong, di alintana ni Tatay ang banta ng pandemya para makalikom ng salapi at matustusan ang pangangailangan.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Kinaaliwan pa si tatay dahil sa kanyang paglalakbay ay hindi siya nag-iisa, kasa-kasama niya ang mga alagang aso at tumutulong pa ito.

Ibinahagi ng netizen na si Argem Grace Anne Orcado sa social media ang mga litrato na kinuha niya kina tatay at sa mga aso, nagpaayos kasi siya ng kanyang 3 sirang mga payong dito.

Naaliw din siya sa mga kasamahang aso ni tatay at bawat isa sa kanila ay may kariton at lulan nito ang mga sirang payong at mga gamit niya sa pag-aayos. Napakabait at masunurin ng mga ito. Nauuna silang maglakad na para bang alam nila kung saan patungo. Nasa likuran naman palagi si tatay dahil hirap siyang maglakad. Mukhang nagkaroon siya ng stroke kaya mabagal na siyang maglakad. Kapag tumitigil si tatay at sinasabihan niya ang mga alaga niya, agad silang humihinto at pinupuntahan siya.

Napapalingon ang lahat kapag nakikita silang naglalakad sa daan. Teamwork kumbaga ang ipinamamalas nilang tatlo.

Oktubre nang muling pinag-usapan si tatay sa social media dahil naibahagi ito ni Mary Jane Sabalsa Luceño. Kuwento niya, nakita niya si tatay sa downtown area ng Tacloban. Para sa kanya, ito raw ang mga taong dapat tinutulungan.

Dagdag pa niya, nagbigay raw ng inspirasyon si tatay at mga alaga nito. Dahil nahabag siya sa kaawa-awang kalagayan ni tatay, nagpaabot siya ng konting tulong.

Sa katunayan, delikado para sa kanilang tatlo ang paglalakad sa mga highway. Kuwento ni Tallecer C. Diza, minsan na raw nahagip ng sasakyan ang aso pati na mga payong.

Marami ang gustong tumulong kay tatay. Sa video ni Jake Tatoy, makikitang marami ang naghahagis sa kanya ng pera habang naglalakad siya sa daan.

Mukhang nag-eenjoy naman si tatay sa kanyang ginagawa. Ayaw niya lang siguro umasa sa iba upang mabuhay.

Sana’y ingat kayo parati ng mga aso mo, tay. Marami ang nag-aalala sa’yo.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment