Parang hindi kapani-paniwala, pero totoo ngang may ganitong katangkad na klase ng tao sa mundo, siya ay kinilalang si Maci Curran na taga Austin Texas, binansagan siyang “Isa sa May Pinakamahabang Binti sa buong Mundo”.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Lumamang si Maci ng 1.2 millimeters kay Rentsenkhorloo Bud, 29 taong gulang na mula sa Chicago na mayroong height na 134.5 cm dahilan ng pagkatalo niya kay Maci Curran na mayroong 134.62 cm.
Bagaman napakaliit ng agwat nilang dalawa, naging malaking dahilan iyon para hindi siya maitanghal na record- holder ng babaeng may pinaka mahabang binti sa buong mundo.
Sobrang saya pa ri ni Maci kahit na naging pangalawa lamang ito sa nasabing record dahil ayon sa kanya, kuntento na daw siya sa pinagkaloob ng Diyos sa kanya.
Kahit pa anong mangyari ay pipiliin niyang maging masaya kesyo matangkad o pandak, may titulo o wala.
Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na marami parin ang nahihiwagaan sa kanya dahil sa kakaiba niyang taglay, maraming ordinaryong tao ang napatitig sa kanya at kapag siya ay nakasalubong mo talagang mapukaw niya ang iyong pansin. Sa katunayan, ang haba pa lamang ng kaniyang binti ay katumbas na ng taas ng isang teenager.
Mayroon pala siyang pinagmanahan dahil ang kaniyang mga magulang ay matatangakad din. Ang kaniyang ama ay may taas ng 6 ft and 10 inches habang ang kaniyang ina ay 6 ft and 1 inch naman.
Hindi man pangkaraniwan ang kaniyang height, natutunan pa din niyang mahalin ang kaniyang sarili at huwag nang pansinin ang sinasabi ng iba pagkat hindi naman talaga importante ang kanilang mga negatibong tingin at komento.
Naroon din ang kaniyang mga paghihirap sa pamimili ng damit at sapatos. Gayun pa man, madami pa din ang sumusuporta sa kaniya at nahuhumaling sa kaniyang kakaibang tangkad.
Ang pagiging masaya ay naka dependi sa bawat isa, kung paano mo tanggapin at yakapin ang kakaiba sa iyo, yan ang magbibigay ng tunay na kaligayahan sa puso mo.
0 comments :
Post a Comment