May mga naniniwala pa ba sa panahon ngayon patungkol sa mga kwentong kababalaghan? Kadalasan sa mga kwentong ito ay nagmula sa mga malalayong lugar tulad ng mga probinsya at mabilis na ring malaman ng lahat dahil sa social media.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

May isang kwento na mula sa Nueva Ecija, tungkol sa isang elemento diumano sa isang ilog na nangunguha daw ng mga lalaking gwapo o pogi.

Ang kababalaghan na ito ay nagaganap daw sa ilog ng Minalungao sa General Tinio sa Nueva Ecija na kumukursunada diumano sa mga lalaking may itsura.

Ilan sa mga dahilan kung bakit marami daw ang manghang-mangha sa ganda ng Minalungao river ay dahil sa matataas na limestone formation nito at sa kalmadong at malinaw na tubig.

Ngunit ang ganda daw ng ilog na ito ay nababalot ng isang misteryo, dahil palagi daw may nalulunod dito at karamihan ay lalaki na “POGI”, at nangyayari ito kada taon.

Ayon kay Rolly Sarmiento, lifeguard sa nasabing lugar, ang karamihan sa mga nasasawi sa ilog dahil sa pagkalunod ay magagandang lalaki.

“Wala ho kasi akong sinisid na patay dyan na panget, magandang lalaki lahat.”, ani Sarmiento.

Kwento ng isang ina na nawalan ng anak doon, taong 2010 ng bumista sa Minalungao river ang anak niyang si Ravenn.

Ayon kay Aling Vilma, isang araw ay may nagsabi na lang sa kanya na nawawala ang anak. Hinanap nila ito sa lugar, nag-antay buong magdamag at kinabukasan ay nakita ang bangkay nito na nalunod na nga. At ang sabi-sabi ay may humila daw sa paa nito.

Alam ni Aling Vilma na marunong lumangoy ang anak kaya naman labis ang kanyang pagtataka ng malamang nalunod ito.

Samantala isang grupo naman ng magbabarkada ang hindi nagpapigil ituloy ang planong “outing” sa nasabing ilog, sa kabila ng mga banta ng mga nakatatanda doon.

Pagdating sa lugar, hindi daw maalis sa magkakaibigan ang takot at kakaibang pakiramdam doon.

Isa sa magbabarkada diumano ay may third eye. Siya ay si Marlon. Kwento ni Marlon, pagdating pa lang daw nila doon ay may naririnig na syang parang may sumisitsit at bumubulong na parang boses lalaki na nasa loob ng aquarium o nasa ilalim ng tubig.

Hanggang sa naligo na nga sila sa ilog at kumuha ng mga litrato.

Pag-uwi ng magkakaibigan ay nagulat sila ng may nakitang kakaiba sa isang litrato kung saan makikita ang isang parang kamay na nakahawak sa bandang paa ni Noel, isa sa grupo.

Ani Noel, ang kamay na akmang hahatakin siya pailalim ay parang kamay ng isang ‘shokoy’.
Kwento ng magkakaibigan, malapit daw talaga sila at tila laging sinusundan ng mga elemento saan mang lugar sa Pilipinas sila mapadpad.

Dito ay nagpakita sila ng isa pang pruweba kung saan makikita sa isang larawan nila na inupload sa social media na mayroon silang katabing bata sa loob ng bus.

At upang mapatunayan ang kredibilidad ng mga larawan nila Noel ay ipinasuri ito sa isang eksperto.

Ayon kay Val Porras, isang photo expert, nung una sinabi niya na nakakataas nga ng balahibo ang litrato pag una mo itong nakita, ngunit noong sinuri niya ito ay napagtantong ‘edited’ ang picture.

Ngunit nanindigan ang magkakaibigan, lao na si Noel, na hindi nila inedit ang litrato at hindi nila kailanman isasakripisyo ang kanilang mga propesyon sa pagpapakita ng pekeng larawan, magsinungaling at kumuha ng atensyon sa social media.

Dagdag nila, wala silang binago o ginawa sa litrato at hindi nila kailangang magpasikat kaninuman.

Kung maniniwala kaman o hindi sa kwentong ito, nasa sa inyo po ang pagdedesisyon pero isa lang ang dapat nating tandaan na mag-ingat kahit saang lugar pa man.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment