Bawat isa sa atin ay nangangarap ng isang komportableng tahanan, kung kaya’t lubos ang ating pagsisikap upang ma-abot ito. Pangarap na bahay na simple pero puno ng pagmamahal.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Ngunit alam nyo ba na pwedeng pwede ma achieve ang isang bonggang bahay kahit gawa lamang ito sa simpleng mga materyales? narito po ang ibinahagi ng isang netizen.
Isang bahay na gawa sa Amakan ang kamakailan lang ay nag viral matapos itong ibahagi ni Reneza Escuadra Verner na miyembro ng isang public group na Lovely House Design, sa loob ng naturang grupo ay nagbabahagian ang mga member ng mga magagandang larawan at desinyo ng mga bahay.
Kaya sa tulong ng group na ito, marami ang nagkakaroon ng malawakang ideya sa pagpaplano ng kanilang sariling mga bahay, Mayroong simple o kaya nama’y magarbo. Marami rin dito ang patok sa budget ng maraming kababayan. Kabilang na nga rito ang paggawa ng tinatawag na Amakan House.
Ang amakan ay isang tradisyonal na materyal gawa sa hinabing kawayan. Dahil sa murang halaga nito, madalas itong ginagamit sa mga maliliit na bahay sa probinsiya at sa ilang beach resorts.
Sa ngayon, marami na ang nagpapatayo ng ganitong bahay. Ang iba’y half-concrete at half-amakan upang kahit papaano’y matibay. Ang iba nama’y buong amakan ang bahay.
Ngunit sa bahay na ito, kung anong kinasimple ng loob, siya namang kinarangya ng loob.
Ang terrace sa labas ay naka-tiles, pagdating naman sa loob, parquet na ang disenyo ng sahig. Maayos rin ang pader sa loob, hindi amakan ang mababakas dito. Ang kisame’y maganda. Maluwag ang sala, kung saan makikita na rin ang kusina.
Mayroong dalawang kuwarto. Maganda ang lighting ng tirahan. Maaliwalas kung titignan ang kabuuan nito dahil na rin sa puting kulay ng mga pader.
Marami ang humanga sa disenyo nang bahay na ito at nagbigay ng papuri. Ang ilan nama’y na-engganyong gayahin ang ganitong estilo. Mayroon ding mga nagtanong ukol sa detalye ng bahay.
0 comments :
Post a Comment