May mga tao na lahat ay gagawin para lamang makapanlamang ng kanilang kapwa. Yung kompleto ang katawan pero ginagawang may deperensya upang makalikom lamang ng pera. Katulad lamang sa nangyari sa EDSA na nakunan pa ng video.

You May Also Read:

Matandang Nagpapahinga, Lubos ang Pasasalamat sa Pagkaing Palihim na Ibinigay sa Kanya Habang Natutulog ng Nakaupo!

Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.

Batang Musmos, Ginulat ang May Ari ng Nawawalang Wallet na May Lamang Malaking Pera ng Ibalik Ito at Humingi ng Singkwentang Kapalit Lamang.

Isang lalaki ang nakuhanan ng video na diumano’y nakasaklay na laging nakatambay sa EDSA Carousel sa bahagi ng Ortigas City upang manghingi ng limos sa mga tao doon. Ngunit nang sitahin siya ng isang traffic marshall ay nagawa niyang bitawan ang kanyang saklay at mabilis na tumakbo upang habulin ng saksåk ang marshall.

Ayon sa ulat ng GMA News 24 Oras noong nakaraang Miyerkules, ipinakita ang video na nakuhanan ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), mula nang sundan ng marsahll ang lalaking nakasaklay hanggang sa dulo ng subway.

Nagbigay ng babala ang marshall sa lalaking nakasaklay matapos na ireklamo siya ng ilang tao na hinihingian niya ng limos dahil nagmumurå umano ito kapag hindi siya nabibigyan ng pera. Ngunit, hindi niya pinakinggan ang babala ng marshall at dumaan pa rin ito sa kalsada kaya naman sinundan muli siya ng marshall at pagsabihan.

Ngunit naglabas na umano ito ng patålim at ibinaba ang kanyang saklay saka niya mabilis na hinabol ang enforcer. Ayon sa marshall na si Seaman Second Julius Abundol ng Philippine Coast Guard ay nakatanggap umano siya ng reklamo mula sa dalawang commuter na nanghihingi umano ng pera sa kanila. Ngunit nang hindi mabigyan ang lalaking nakasaklay ay nagmurå at naglabas umano ito ng patålim.

“Sabi ko ‘Sir tumabi po kayo’ kasi nga gawa ng natatakot na ‘yung mga commuters na nakapila. Noong naglalakad kami rito, papunta kami sa poste parang may binubunot siya. Sinasabihan ko na ‘Sir umalis na po kayo’ kasi naglalakad siya, minumura niya po ako,” ayon kay Abundol.

Sa pahayag ni Abundol ay sinabi niyang tutulungan sana niyang makatawid ang lalaking nakasaklay sa kabilang bangketa ng EDSA papalayo sa mga commuter ngunit hinabol siya nito ng may hawak na patålim.

“Sa isipan ko sir, nakasaklay eh, tapos nakatakbo?!” pahayag ni Abundol.

Agad namang dumating ang isang taga-Highway Patrol Group na police escort upang matulungan si Abundol na makontrol ang lalaki at makuha ang patålim nito.

Ayon sa mga awtoridad ay hinihinala nilang may problema sa pag-iisip ang lalaki. Panoorin ang kabuuang video:

You May Also Read:

Pastor, Nagpupumilit na Ilibing ng Buhay, Dahil Muli Daw Siyang Mabubuhay sa Ikatlong Araw Subalit Natuluyang Mamatay!


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment