Naging uso ang tirahang bahay kubo sa mga probinsya lalo na sa mga bulubunduking lugar at malayo sa syudad. Limitadong mga materyales at halos mga light materials lamang gawa ang mga kubong ito.
You May Also Read:
OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas
Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.
Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants
Simple lang tingnan pero napaka komportable at relaxing naman, dahil sa hatid nitong lamig at preskang kapaligiran kung kaya’t marami pa din ang gustong tumira dito.
Subalit, nawindang naman ang mga netizens sa isang trending na balita na ang isang bahay kubo sa Davao Del Sur ay nagkakahalaga ng P1.7 milyon pesos.
Mapapatanong ka talaga kung bakit umabot sa ganyang kalaking halaga kung ito nga ay bahay kubo lamang.
Ayon sa Choose Philippines , ang nasabing bahay kubo ay matatagpuan sa Baranggay New Sibonga, Kiblawan, Davao del Sur, kung saan ito ay pagmamay-ari ng mag asawang sina Marcelo at Amelia Alqueza.
Isa din ang mamahaling bahay kubo na ito na naging dahilan kung bakit maraming turista dito na nagpupunta para magpakuha ng litrato at nagtataka na umabot ng milyon halaga ang pagpapagawa dito.
Dagdag pa diyan, ang bahay kubo na ito ay yari sa mga kawayan na mula sa dingding, upuan, cabinet , higaan at iba pang mga gamit dito.
Ang mga pintuan naman ay gawa sa rattan at ang bubong nito ay gawa naman sa Cogon grass.
Ayon pa dito na ang naturang Bahay Kubo na ito ay kayang tumagal ng Limangpung (50) taon. At ang bahay kubo na rin na ito ay gawa ng isang miyembro ng T`boli na naggaling sa Lake Sebu, South Cotabato.
Sinabi rin ng mag-asawa na may-ari ng bahay kubo na ito ay pangarap nila maipundar sa kadahilanang mahangin maaliwas at eco friendly pa dahil sa mga ginamit nitong materyales.
0 comments :
Post a Comment