Bilang magulang, kakayanin ang lahat maibigay lamang ang mabuting buhay sa mga anak nito. Subalit, papaano kung ang iyong anak ay may taning na sa mundong ito? Talagang sobrang sakit para sa mga magulang na siyang nagbigay buhay sayo. Wala ng ibang hiling ang mga magulang kundi ang kasiyahan at kaginhawaan ng kanilang anak,kung kaya’t pati buhay nila ay gusto nilang ibigay sa mga anak nila.
You May Also Read:
OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas
Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.
Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants
Wala ng sasakit pa na makitang nahihirapan ang kanilang mga anak, at lalo na kapag wala silang magagawa para maibsan ito. Kapag may sakit ito ay kinakailangan ng gamutan, gastusin na pasan pasan ng ating mga magulang at ang nasa isip nito na magiging maayos sana ang kondisyon ng kanyang anak.
Naniniwala ang karamihan satin na sa tuwing may problemang dumarating ay pagsubok lamang ito na kaya natin malampasan. Pero paano kung ang dumating na problema o sakit ay wala talagang solusyon?
Itong kwento na ito ay madamdamin at may kirot sa ating puso dahil hanggang sa huling panahon na makasama niya ang anak na may sakit ay nakipaglaro pa rin ito doon mismo sa kanyang ginawang hukay para sa kanyang anak. Itong isang kwento ng isang ama na ito na hinanda ang libingan ng kanyang anak na si Zhang Xin Lei na may edad na dalawa at kalahating taon.
Noong dalawang buwan pa lamang si Zhang Xin ay nakitaan na siya na may malubhang karamadaman sa dug0.Nagmula ito sa Thalassemia, ginawa nito abn0rmal ang hem0globin sa kanyang katawan.
Masakit man isipin na inihanda ng kanyang sariling ama ang kanyang libingan dahil anumang oras ay pwedeng kuhanin na ang batang si Zhang Xin sa kanila ng Panginoon. Kaya minabuti ng kanyang ama na maghukay ng lupa na paglilibingan ng kanyang anak.
Si Zhang Xin Lei at ang kanyang ama ay naglalaro pa sa hukay na ginawa ng kanyang ama. Nahihiga sila don habang naglalaro na may kirot sa puso ng kanyang ama dahil anu mang oras ay pwedeng mawala ang kanyang anak. Sobrang sakit para sa ating mga magulang ang ganitong pangyayare at sitwasyon, Naway sana ay may milagro at mapabuti ang kalagayang ng batang si Zhang Xin Lei. Sana rin ay may mga taong mabubuti na tumulong sa kanila.
0 comments :
Post a Comment