Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.

Noong panahong wala pang pandemya at normal ang galaw ng mga tao, tuwing pasukan ng klase ay makikita mong naging abala ang lahat sa pag aasikaso ng mga pangangailangan ng kanilang mga anak.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Kadalasan ay excited pa nga ang mga kabataang ito dahil sa mga bagong biling gamit sa kanila tulad ng mga notebook na may larawan ng kanilang paboritong artista, mga bag ,uniporme at sapatos. Pero sa kabila nito may mga mag-aaral din na pilit naging masaya at excited sa pagpasok kahit walang bago sa kanila dahil dulot na rin ng kahirapan.

Subalit mayroon namang mga magulang na ma ideya at susubukin na gawin ang lahat mabigyan lamang ng mga bagay na ikasasaya ng kanilang mga anak.

Katulad na lamang po ng isang mapagparaang ama na ito na ginawan ng sariling bag ang kanyang anak na hinangaan naman ng ibang mga magulang.

Nagtrending ang amang ito dahil sa kanyang tinahing bag para sa anak na nagustuhan naman ng mga netizens, isang hand woven bag ang kanyang ginawa upang gamitin ng kanyang anak sa pasukan ng klase.

Isang guro ang nagbahagi ng larawan na ito na kinilalang si Sophous Suon, ito ang bag ng kanyang mag-aaral na taga Battambang Province sa Cambodia, isang kulay asul na gawa sa raffia strings na nagmula sa isang fibrous plant na katulad ng abaca.

Ang bata naman ay si Ny Keng, first grader pupil sa Lumphat Primary School.

Nalaman ng guro na dahil sa kakapusan sa pera, walang maibili na bagong bag ang ama ng bata, sa kagustuhan naman ng kanyang anak na magkaroon ng bagong bag katulad ng iba niyang kaklase, kaya napag isipan niyang igawa ng sariling bag ang anak.

Dahil sa maganda at husay na pagkakagawa ng bag, marami ang na-impress lalong lalo na ang guro ng bata, kaya kinunan niya ito ng litrato at proud na ibinahagi sa social media.

Kung titingnan ay napaka simple ng bag at mayroon itong maliit na lock at straps pero sobrang mataas ang kalidad nito dahil gawa ito sa pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak.

Hindi man ito kasing bago at ganda ng bag ng kanyang mga kaklase, pero ang halaga nito ay hindi kayang pantayan ng anu mang bagay sa mundo, walang presyo ang sakripisyo at pagmamahal ng magulang sa kanyang mga anak.

Napahanga rin ang mga netizens at marami ang nagsabi na pwede itong gawing hanapbuhay ng kanyang ama at baka ito pa ang maging daan sa pagbago ng buhay nila.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment