Ang mga makabagong teknolohiya at invention ay may malaking tulong sa sambayanan, isa na rito ay ang lawak na magagawa ng internet at social media. Lahat naman ng mga bagay ay may maganda at masamang naidudulot sa tao, ngunit naka dependi pa rin ito kung paano mo kontrolin ang sarili mo sa mga bagay na ito.

You May Also Read:

OFW na Nagtatrabaho sa Saudi Arabia ng 12 taon, Pumanaw ng Hindi Nasilayan ang Pamilya sa Pilipinas

Annulment Sa Pinas, Magiging Libre At Mas Madali Na Daw Ayon Sa Santo Papa.

Goodnews, High School Graduates, Pwedeng Mag-Apply Bilang Flight Attendants

Ang social media sa ngayon ay may malawak na sakop at maraming nagagawa sa buhay ng tao, ang magkalayo na pamilya ay pwede niyang paglapitin, ang mga nawawala ay madaling makikita dahil sa mabilis na pagbabahagi ng mga tao na umaabot sa kasuloksulokan ng mundo.

Katulad na lamang sa pangyayaring ito kung saan ang isang aso na ang pangalan ay si Bonbon, ay 4 na taon nang nawawala dahil nawalay sa kanyang mga amo noong isinama ito sa isang car trip. Pebrero 16, 2015 nang huling makasama ng nagmamay-ari na si Nang Noi Sittisam at kanyang asawa ang kanilang alaga noong bibisitahin sana nila ang kanilang anak na si Khon Kaen.

Ngunit nang pabalik na sila sa bahay, ay napansin na lamang ni Nang Noi na nawawala na ang kanilang aso noong nag-stop over sila sa isang gasolinahan. Suspetsa nila na maaaring tumalon ang kanilang aso sa bintana habang hinihintay na mag-go ang stoplight at hindi nila ito napansin.

Dahil dito ay binalikan nilang muli at hinanap ang kanilang alaga ngunit sa kasamaang palad ay hindi na nila ito natagpuan. Ilang linggo, buwan, at taon ang nakalipas ay inakala na lang ng mag-asawa na baka mayroong nangyaring masama sa kanilang aso at wala na ito.

Ngunit sa kabilang banda, ay mayroong isang babae na nakilala bilang si Saowalak ay natagpuan ang aso na si Bonbon sa gilid ng daan. Araw-araw ay lagi niyang nakikita roon ang aso na buto’t balat kaya naman dahil naawa siya rito kaya niya ito hinahatiran ng pagkain.

Isang netizen ang lumapit sa babae at naitanong ang istorya ng aso. At sinabi nga ng babae na araw-araw raw nandoon lamang sa gilid ng kalsada ang aso na tila parang may inaantay kaya hinahatiran na lang niya ito ng pagkain.

Mula noon ay ipinost ito ng netizen sa social media hanggang makarating ito sa totoong may-ari ng aso. Laking gulat nila na makalipas ang 4 na taon ay buhay pa ang kanilang alaga at sa wakas ay muli nila itong natagpuan.

Hindi lamang ganitong kwento ang ating naririnig, marami pang mga pangyayari na masasabi nating naging matagumpay dahil sa social media. Ngunit pakatatandaan na maging maingat pa rin sa paggamit nito ng hindi maabuso at maloko ng masasamang tao.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment