Isang hindi pangkaraniwang pangyayari ang napabalita kamakailan na talagang umagaw sa atensyon ng mga netizens. Walang madali na trabaho kung kaya’t dugo’t pawis ang ating nilalaan sa bawat araw ng ating trabaho upang magkaroon ng sahod na siyang binubuhay natin sa ating pamilya.
You May Also Read:
Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.
Kaya tila isang malaking insulto ang naganap sa isang manggagawa ng ito ay makatanggap ng sahod na P1,056.00 na lahat puro sentimo at nabalot sa plastik. Humingi ng tulong ang pinsan ng nasabing manggagawa kay Mayor Rex Gatchalian, Inirereklamo ni netizen Odniemrud Eniger kay Gatchalian ang Next Green Factory sa Barangay Canumay West kung saan puro sentimo ang ibinigay na sahod sa kanyang pinsan.
Sino nga ba naman ang hindi maiinis na sa halagang P1,056.00 puro sentimo na 5,10 at 25 cent ang binigay na sweldo para sa dalawang araw na pagtatrabaho.
Sa pamamagitan ng social media ay humingi sila ng tulong kay Mayor Rex, dahil sa mabilis na pag viral ng nasabing kaganapan. Hindi naman kasi ito normal kung kaya marami rin ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa nasabing kompanya.
Basahin ang kanyang buong post:
“Concern ko lang po Mayor REX Gatchalian bkit Ganito naman po ung Pasahod sa pinsan ko sa Pabrika Canumay West (NEXT GREEN )Ung pangalan ng Pambirika Sobrang Pamb4st0s po tlaga to sa pinsan ko na ganito ung pinasahod puro CENTIMO Binigay saknya 12hrs ung Duty tapos 528 lang pasahod Sknila.”
“Sobrang Nakakab4st0s po tlga tong ginagawa nila !! Sana naman po magawan ng aksyon tong Companya na to sa ginawa nila sa pinsan ko . Sobra sobra tong di mganda ung ginawa sknya pinahirapan kunin ung sahod tpos CWNTIMO pa Po ung Binigay Sa Knyang Sahod REX GATCHALIAN Sana Mapansin Nyo PO Tong Post ko.”
Naka-usap na rin ng alkalde ang representative ng kompanya at pinabulaan nila ang akusasyong iyon. Aksidente lang daw umano ang pagkabigay ng mga barya dahil para sa donasyon daw iyon.
Hindi rin makausap ang may-ari dahil nasa out-of-town umano ito. Kakausapin umano ito ng alkade ngayong Miyerkules.
“Ang manggagawa hindi dapat ginaganyan, hindi dapat kinakawawa (We should not treat workers that way),” saad ni Gatchalian.
“There’s dignity in working. There’s dignity in getting paid. He worked hard for that so it should not come in that form.”
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment