Napakaswerte ng mga kabataang paglalaro at pag-aaral ang inaatupag, dahil maraming kabataan na sa kanilang musmos na edad, malaking problema na ang kanilang pasan.

Kahirapan ang isa sa mga dahilan kung bakit sa murang edad ay napasabak na sa mabibigat na trabaho ang karamihan. Maraming mga katanungan sa kanilang isipan kung bakit unfair daw ang buhay sa mundo? yung iba ay masaya sa ganyang edad at sila ay trabaho na ang inaatupag.

You May Also Read:

Matandang Nagpapahinga, Lubos ang Pasasalamat sa Pagkaing Palihim na Ibinigay sa Kanya Habang Natutulog ng Nakaupo!

Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.

Batang Musmos, Ginulat ang May Ari ng Nawawalang Wallet na May Lamang Malaking Pera ng Ibalik Ito at Humingi ng Singkwentang Kapalit Lamang.

Ngunit wag tayong mawalan ng pag-asa sa mundo dahil sa  hindi inaasahang pagkakataon, habang tayo ay kontento o tanggap na ang ating mga buhay at paghihirap, doon darating ang isang tao na tutulong sa atin ng buong puso.

Katulad na lamang sa kwento ng batang kargador na nagpaluha sa maraming Pilipino. Nakilala ng isang netizen ang  batang kargador sa Divisoria sa video ng isang vlogger na si Techram.

Ang batang kargador ay 12-anyos, ayon sa kanya siya daw ay lumayas sa kanila dahil pinalayas siya ng kaniyang sariling ina na mayroon ng bagong kinakasama.

Ang batang iyon ay si Dave, siya daw ay inampon ni Kang Martin at dahil don siya ay napadpad sa divisoria at naging kargador.

Maraming puso ang napaiyak sa kwento ni Dave at ito ay unang tinulongan ni Techram hanggang sa bumuhos na ang tulong mula sa ibang tao.

Si Dave ay kinupkop ni Techram dahil hindi naman ganon kaganda ang buhay ng mga umampon sa kaniya.

Tinulongan din ni Techram ang mga umampon dito, hinanap ang mga magulang, at tinulongan din.

Sa kasalukuyan, si Dave ay kasama parin ni Tekram, siya ay malusog na, nakakapag-aral, at nakakapag laro na walang inaalalang trabaho.

Sa buhay, maraming magagandang bagay na nangyayari na ‘di natin inaasahan.

Minsan ang mga taong hindi natin kadugo o kilala, sila pa ang handang tumolong at magmalasakit sa atin.

Gaano man kahirap ang buhay, mayroon paring mga tao tulad ni Techram na handang mag-alay ng tulong para sa iba na walang hinihintay na kabayaran.

You May Also Read:

Matandang Nagpapahinga, Lubos ang Pasasalamat sa Pagkaing Palihim na Ibinigay sa Kanya Habang Natutulog ng Nakaupo!


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment