Kung ang mga taong ipinanganak na may kapansanan ay nagsusumikap sa buhay at nagiging positibo, paano pa kaya ang mga ipinanganak na normal at kumpleto?
You May Also Read:
Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.
Mahiya naman sana ang mga taong malalakas na puro reklamo sa Gobyerno at gumagawa pa ng kasamaan sa mga taong may kakulangan sa kanilang katawan na ubod pa ng sipag at ginagawa ang lahat para kumita ng salapi.
Sa kabila ng pandemya na lalong nagpapahirap sa atin, di ito dahilan upang sumuko sa buhay dapat ito ay maging lakas pa natin na labanan ang ano mang problemang darating.
Pinatunayan ng isang 21-anyos na binatang ito na mula sa Sibsib, Tulunan Cotabato, na kahit anong hirap ng buhay ay kailangang maging positibo at magsikap para sa kinabukasan.
Makikita sa larawan na walang siyang mga paa ngunit hindi man nakakalakad ay kinakaya pa din niyang maghanap-buhay. Siya ay kinilalang si Ryan Moralidad na sa kabila ng kanyang kapansanån ay nagagawa pa din niyang magsaka at mag-uling para lamang makatulong sa kanyang pamilya.
Marami naman sa mga netizens ang napabilib at talagang humanga kay Ryan. Naging isang inspirasyon siya para sa marami na kahit ano mang pagsubook ang dumating sa ating buhay ay huwag panghihinaan ng loob bagkus ay maging matatag at patuloy lamang sa pagkayod dahil sa bandang huli ay magbubunga din lahat ng ating pinaghirapan.
Para naman sa mga taong puro reklamo ang ginagawa at hindi na lang kumilos ay gawin sana niyong inspirasyon si Ryan na kahit na walang kakayanang makalakad at walang mga paa ay kayang-kaya naman niyang maghanap-buhay. Pagpalain sana ng Maykapal ang katulad nila at biyayaan .
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment