Isang malaking biyaya ang pagkakaroon ng anak, maraming mga kababaihan sa ngayon ang nahihirapang bumuo ng sanggol dahil sa maraming mga factor na naka apekto sa kanilang kalusugan. Kaya’t isang malaking blessings kapag ang isang babae ay magkakaroon ng anak dahil parang na fulfill nito ang kanyang pagkababae.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Nakakamangha yaong mga babaeng nagdadalan-tao ng kambal at minsan ay triplets pa ito, subalit kamakailan ay nag-ingay sa social media dahil sa balitang may 25-anyos na babae na nagluwal ng siyan na sanggol.
Siya ay kinilala kay Halima Cisse, 25-anyos na babae mula sa Mali ang nagsilang ng siyam (9) na sanggol o “Nonuplets”. Natamasa niya ang world record kung saan may pinaka maraming sanggol na isinilang sa isang kapanganakan lamang.
Ayon sa kaniyang Ultrasound sessions ay inaasahan nila na magkakaroon siya ng pitong anak subalit hindi nila natagpuan ang dalawa pang bata sa loob ng tiyan ni Halima. Kaya naman laking gulat nila ng siyam na bata ang lumabas sa kaniyang sinapupunan.
Siya ay nagsilang sa limang lalaki at apat na babaeng sanggol. Ayon kay Dr. Fanta Siby, isang Health Minister sa Mali ay nasa mabuting kalagayan na ang mag-ina at malusog ang siyam na bata.
Naging maselan ang pagbubuntis ni Halima kaya naman tinulungan siya ng gobyerno ng Mali na mailipat sila sa Morocco,kung saan siya nanganak. Malaki rin ang naitulong ng gobyerno sa pampinansyal na pangangailangan ng mag-ina sa medical evacuation nila patungo sa Morocco. Naging usap-usapan ito sa kanilang bansa at tiniyak nga nila na ligtas ang mag-ina.
Ayon kay Arby, siya ay nagagalak na ligtas ang kaniyang asawa at siyam na anak. Lahat nga ay natutuwa sa magandang balitang ito, kaya maging ang presidente ng Mali ay nagpahayag ng kaniyang kagalakan.
“Everybody called me! Everybody called! The Malian authorities called expressing their joy. I thank them. … Even the president called me.” Saad ni Arby
Isang Guinness World Records representative naman ang nagpahayag sa NPR na “we are yet to verify this as a record as the wellbeing of both the mother and babies are of top priority.” Ang organisasyon ay nangangalap pa ng impormasyon at handa sila na ipakonsulta ito sa mga spesyalista para sa posibleng bagong record na ito.
You may also read:
Grupo ng Mangingisda sa Masbate ang Akѕιdєnтєnтєng Nαкαραтαу Diumano ng Sirena.
0 comments :
Post a Comment